• Home
  • Football

England vs Denmark Prediksyon at Tips - England Uusad sa Final

  • Mga tips sa England vs Denmark para sa Euro 2020 semi-final sa Miyerkules
  • Ang laro ay gaganapin 8.00pm BST sa Wembley Stadium 
  • Nanalo ang England na hindi nagsusuko ng goal sa 9 sa kanilang huling 11 laro
  • Inaasahan ang England na talunin ang Denmark at umabante sa final
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
England vs Denmark Tips
Si Harry Kane ay maaaring makakuha muli ng goal (Getty Images)
Librengpusta Staff 05 Jul 2021
Share this article
success image

England vs Denmark Prediksyon at Tips


Halos perpekto ang porma ng England sa Euro 2020 at umusad sila sa semi-final nang hindi nagsusko ng kahit isang goal. Ang Denmark ang magiging pinakamahirap na pagsubok sa panig ni Gareth Southgate ngunit nasa kanila ang mayorya ng suporta sa Wembley Stadium.

Inaasahan namin na maipanalo ng England ang dikit na laban at makakapagtala sila ng pang-anim na sunod na clean sheet.

  • Nanalo ang England sa 10 sa kanilang huling 11 laban (lahat ng kumpetisyon)
  • Ang England ay nanalo ng hindi nagsusuko ng goal sa 9 sa kanilang huling 11 laban (lahat ng kumpetisyon)
  • Saklaw ng England ang under 2.5 goals sa 6 sa kanilang huling 7 laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Si Harry Kane ng England ay nakapagtala ng 3 goals sa kanyang huling 2 laban (Euro 2020).
  • Saklaw ng Denmark ang BTTS No sa kanilang huling 3 laban kontra England (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Pasok ang Denmark sa under 1.5 goals sa kanilang huling 3 laro kontra England (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nanalo ang Denmark sa 12 sa kanilang huling 16 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang England ay mayroong 12-4 na kalamangan sa Denmark na may limang draw sa 21 pagkikita.

Nagwagi ang Denmark 1-0 sa UEFA Nations League noong Oktubre ng nakaraang taon sa huling pagkikita ng dalawang panig.

Form ng England


Ipinamalas ng England ang kanilang pinakamagandang laro sa Euro 2020 noong Sabado nang lampasuhin nila ang Ukraine 4-0 sa kanilang quarter-final na laban sa Stadio Olimpico sa Rome.

Binigyan ni Harry Kane ng maagang kalamangan ang Three Lions bago dinoble ni Harry Maguire ang kanilang lamang pagkatapos ng half-time. 

Nakuha ni Kane ang kanyang pangalawang goal sa ika-50 minuto at nagdagdag pa ng isa si Jordan Henderson sa ika-63 minuto para selyohan ang kanilang panalo. 

Ito ang ikalimang sunod na clean sheet ng England sa torneyo kasunod ng kanilang 1-0 na mga panalo laban sa Croatia at Czech Republic at isang 0-0 na draw sa Scotland sa Group D.

Tinalo naman ng England ang Germany 2-0 sa Round-of-16 sa likod ng goals nina Raheem Sterling at Kane.

England Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Aaron Ramsdale, Sam Johnstone, Jordan Pickford
Defenders: Ben Chilwell, Conor Coady, Reece James, Harry Maguire, Tyrone Mings, Luke Shaw, John Stones, Kieran Trippier, Kyle Walker, Ben White
Midfielders: Jude Bellingham, Jordan Henderson, Mason Mount, Kalvin Phillips, Declan Rice
Forwards: Dominic Calvert-Lewin, Phil Foden, Jack Grealish, Harry Kane, Marcus Rashford, Bukayo Saka, Jadon Sancho, Raheem Sterling

Ang boss ng England na si Southgate ay nahaharap sa isang problema kung pananatilihin ang back four formation na ginamit niya laban sa Ukraine o lilipat sa back five para tapatan ang Denmark.

Kung pipiliin niya ang five-man na depensa, muling tatawagin si Kieren Trippier at ililipat si Kyle Walker lumipat sa right centre back. 

Kung mananatili ang England sa 4-2-3-1 formation, kailangan ni Southgate na mamili kung sino ang magsisimula sa kanan. Si Jadon Sancho ay malamang na makikipagkumpetensiya siya kina Phil Foden at Bukayo Saka para sa naturang pwesto. 

Form ng Denmark


Nakabawi ang Denmark matapos matalo sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020 at ngayon ay isang panalo na lang sila para makarating sa final. 

Nakalasap ng 1-0 na pagkatalo ang panig ni Kasper Hjulmand laban sa Finland sa kanilang unang laro sa Group B kung saan nagkaroon si Christian Eriksen ng cardiac arrest sa pitch. Kinapos rin ang Denmark laban sa Belgium 2-1 sa kanilang pangalawang laro. 

Bumawi naman ang Denmark sa kanilang huling laro ng lampasuhin nila ang Russia 4-1. Nagtala sila ng 2-0 na kalamangan sa likod ng goals nina Mikkel Damsgaard at Yussuf Poulsen bago nag-concede ng penalty. Ngunit nagdagdag ng goals sina Andreas Christensen at Joakim Maehle sa huling bahagi ng laro paro selyohan ang panalo.

Nilampaso naman ng Denmark ang Wales 4-0 sa Round-of-16. Naka-goal si Kasper Dolberg sa first half at second half bago nagdagdag sina Maehle at Martin Braithwaite ng dalawa pang goals sa huling bahagi ng laro. 

Muling nakapagtala ng goal si Dolberg sa kanilang 2-1 na panalo sa Czech Republic sa quarter-final. Binigyan ni Thomas Delaney ng maagang kalamangan ang Danes pagkatapos siyang maka-goal limang minuto pa lang ang nakalipas sa laro.

Denmark Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Kasper Schmeichel, Jonas Lössl, Frederik Rønnow
Defenders: Joachim Andersen, Jannik Vestergaard, Simon Kjær (captain), Joakim Mæhle, Andreas Christensen, Mathias Jørgensen, Jens Stryger Larsen, Nicolai Boilesen
Midfielders: Robert Skov, Thomas Delaney, Christian Eriksen, Christian Nørgaard, Daniel Wass, Pierre-Emile Højbjerg, Mathias Jensen, Anders Christiansen
Forwards: Martin Braithwaite, Andreas Skov Olsen, Kasper Dolberg, Mikkel Damsgaard, Jonas Wind, Yussuf Poulsen, Andreas Cornelius

Si Dolberg ay nakapagtala ng tatlong goals sa kanyang huling dalawang laro at inaasahang mapanatili niya ang kanyang puwesto sa pag-atake bago si Poulsen.

Hindi inaasahang gumawa ng mga pagbabago si Hjulmand matapos ang mahusay na ipinakita ng kanyang koponan laban sa Czech Republic.

Maayos na ang kalagayan ni Eriksen ngunit maaaring hindi na siya muling maglalaro ng football. 

England vs Denmark Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng England vs Denmark?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang England vs Denmark.

US

Hatol

Malaking tinik ang Denmark sa England ngunit inaasahan namin na malampasan ito ng panig ni Gareth Southgate. 

Inaasahan namin na muling manalo ang Three Lions na hindi nagsusuko ng goal. Asahan rin na muling makaka-goal si Harry Kane. 

Best Bet: England Win Full-Time Result @-136.99 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: England To Win To Nil @150.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units
Anytime Goalscorer Tip: Harry Kane Anytime Goalscorer @132.00 at Unibet - 2 Units
First Goalscorer Tip: Harry Kane First Goalscorer @300.00 at bet365 Sport NJ - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events