• Home
  • Football

England vs Scotland Prediksyon at Tips - Three Lions lalapain ang Scots

  • Mga tips sa England vs Scotland sa Euro 2020 sa Biyernes
  • Ang Group D fixture ay gaganapin 8:00 pm BST sa Wembley Stadium sa London
  • Hindi nag-concede ang goal ang England sa 7 sa kanilang huling 9 na laro
  • Inaasahan namin na saklawin ng England ang -1 na handicap at hindi sila magsusuko ng goal
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
England vs Scotland Prediksyon at Tips
Llamado ang England kontra Scotland (Getty Images)
Librengpusta Staff 17 Jun 2021
Share this article
success image

England vs Scotland Prediksyon at Tips


Maganda ang ipinakita ng England laban sa Croatia at bihira silang mag-concede ng goal sa Wembley. Mahina naman ang kalidad ng pag-atake na ipinakita ng Scotland sa kanilang pambungad na laban at nagsuko rin sila ng dalawang goals.

Sinusuportahan namin ang Three Lions upang masakop ang -1 na handicap at manalo ng hindi nakakapag-concede ng goal.

  • Ang England ay nanalo sa 7 sa kanilang huling 9 na laban (lahat ng kumpetisyon)
  • Nagwagi ang England sa 7 sa kanilang huling 9 na laban kontra Scotland (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Sinakop ng England ang -1 handicap sa 5 sa kanilang huling 8 na laban kontra Scotland (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang England ay nakapagtala ng 2+ goals sa kanilang huling 4 na laban kontra Scotland (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang Scotland ay umako ng 2+ goals sa 2 sa kanilang huling 3 mga laro (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang England ay mayroong 48-41 na kalamangan sa Scotland sa 114 na pagkikita na may 25 na draw.

Natalo ng England ang Scotland 2-0 sa kanilang huling laban sa Euro.

England Form


Naging impresibo ang England sa kanilang pambungad na Group D match kung saan komportable nilang tinalo ang Croatia 1-0. Ito ang ikapitong sunod na panalo ng Three Lions sa lahat ng mga kumpetisyon.

Ang panig ni Gareth Southgate ay may magandang panimula at maagang tumama sa poste si Phil Foden. Nanatiling matiyaga ang Three Lions sa kanilang atake hanggang sa tuluyang maibuslo ni Raheem Sterling ang winning goal sa ika-57 na minuto.

Dinomina ng Three Lions ang laro na nagresulta sa 1.47-0.53 expected goals. 

Mahirap talunin ang England sa kanilang home turf kung saan nagwagi sila sa 16 sa kanilang huling 17 na laro. Ang panig ni Southgate ay nagtala rin ng 12 clean sheets sa panahong iyon.

England Injuries at Team News


Goalkeepers: Aaron Ramsdale, Sam Johnstone, Jordan Pickford
Defenders: Ben Chilwell, Conor Coady, Reece James, Harry Maguire, Tyrone Mings, Luke Shaw, John Stones, Kieran Trippier, Kyle Walker, Ben White
Midfielders : Jude Bellingham, Jordan Henderson, Mason Mount, Kalvin Phillips, Declan Rice
Forwards: Dominic Calvert-Lewin, Phil Foden, Jack Grealish, Harry Kane, Marcus Rashford, Bukayo Saka, Jadon Sancho, Raheem Sterling

Ang back-up goalkeeper na si Dean Henderson ay nagtamo ng hip injury sa ensayo at inalis na sa koponan. Si Aaron Ramsdale ang hahalili sa kanyang pwesto. 

Ang defender na si Harry Maguire ay hindi pa rin siguradong maglalaro dahil sa injury. Maganda naman ang ipinakita nina Tyrone Mings at John Stones laban sa Croatia at inaasahan silang manatili sa kanilang mga pwesto sa centre back. 

Hindi inaasahang baguhin ni Southgate ang kanyang 4-2-3-1 formation at walang pagpapalit na inaasahan sa kanyang starting XI.

Scotland Form


Ang Scotland ay nakalasap ng isang 2-0 na pagkatalo laban sa Czech Republic sa kanilang unang Euro 2020 match.

Natalo ang Tartan Army sa kabila ng pagkakaroon nila ng 58% possession at 19 shots. Sina Lyndon Dykes at Andy Robertson ay nagkaroon ng tsansa na maka-goal sa first half.

Nagsuko ng goal ang Scotland bago mag-halftime at tinamaan naman ni Jack Hendry ang crossbar sa second half. Kalaunan ay nag-concede sila ng isa pang goal at hindi na sila nakabawi sa kabila ng maraming magagandang pagkakataon at 2.29 expected goals.

Ito ang kauna-unahang beses sa limang laro na bigong maka-goal ang Scots. Ang panig ni Steve Clarke ay nanalo lamang ng dalawang beses sa kanilang huling walong laban - kontra sa Luxembourg (1-0) at Faroe Islands (4-0).

Scotland Form at Team News


Goalkeepers: Craig Gordon, David Marshall, Jon McLaughlin
Defenders: Nathan Patterson, Stephen O'Donnell, Andy Robertson (captain), Kieran Tierney, Greg Taylor, Liam Cooper, Grant Hanley, Declan Gallagher, Scott McKenna, Jack Hendry
Midfielders: Billy Gilmour, Callum McGregor, Scott McTominay, Stuart Armstrong, John McGinn, John Fleck, David Turnbull
Forwards: Che Adams, James Forrest, Ryan Christie, Ryan Fraser, Lyndon Dykes, Kevin Nisbet

Ang full-back na si Kieran Tierney ay maaaring maglaro pagkatapos magkaroon ng injury. Puwede niyang palitan si Stephen O'Donnell sa right wing back.

Ang striker na si Che Adams ay maaaring matawag muli sa bench pagkatapos ng kanyang magandang nilaro sa second half laban sa Czech Republic. Maaaring magsanib pwersa sila ni Lyndon Dykes sa harap sa kanilang 3-5-2 formation.

England vs Scotland Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng England vs Scotland?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng England vs Scotland.

US

Hatol

Ipinakita ng England ang kanilang kalidad laban sa Croatia at mahihirapan ang Scotland na pigilan sila. Bigo naman ang Scots laban sa Czech Republic kung saan nag-concede sila ng dalawang goals.

Inaasahang masakop ng England ang -1 handicap at hindi sila magsusuko ng goal sa Wembley.

Best Bet: England Win to Nil Win to Nil @-109.89 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: England -1 Handicap @-105.26 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events