• Home
  • Football
  • English Premier League

Arsenal vs Leeds United Tips - Gunners tatalunin ang Whites

05 May 2022
Librengpusta Staff 05 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Arsenal vs Leeds United sa English Premier League sa Linggo (14:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Emirates Stadium
  • Nanalo ang Arsenal sa kanilang huling 3 laro
  • Nakalasap ng 4-0 pagkatalo ang Leeds United kontra Man City sa kanilang nakaraang laban
  • Tinalo ng Arsenal ang Leeds sa kanilang huling 3 pagkikita sa lahat ng mga kompetisyon
Expired
Bukayo Saka
Bukayo Saka (Shaun Botterill/Getty Images)
Hangad ng Arsenal na makuha ang kanilang ika-apat na sunod na panalo sa English Premier League sa Linggo kontra Leeds United.

Tinalo ng Gunners ang Chelsea (4-2), Manchester United (3-1) at West Ham United (2-1) para manatiling nasa ika-apat na puwesto na may 63 puntos mula sa 34 laro. 

Sina Rob Holding at Gabriel ang mga naka-goal para sa Arsenal sa kanilang huling laro. 

Sina Bukayo Saka at Emile Smith Rowe ang mga nangungunang scorer ng Gunners sa Premier League. May 11 goals si Saka habang may 10 goals naman si Smith Rowe.  

Hindi magagamit ni Arsenal manager Mikel Arteta sina Thomas Partey at Kieran Tierney sa labang ito dahil sa injury.

Nakalasap naman ng 4-0 pagkatalo ang Leeds kontra Manchester City noong nakaraang round. Bago ang resultang ito ay bigo ring maka-goal ang Whites kontra Crystal Palace na nauwi sa isang 0-0 draw.

Isang beses lang nanalo ang panig ni Jesse Marsch sa kanilang huling apat na laro at kasalukuyan silang nasa ikapitong puwesto na may 34 puntos mula sa 34 laro. Nasa taas lang sila ng relegation zone kaya determinado silang makuha ang kanilang unang panalo kontra Arsena sa halos dalawang dekada.

Pangungunahan ang Leeds ni Raphinha, na may 10 goals sa Premier League ngayong season. Aasahan din ni March sina Rodrigo Moreno at Jack Harrison sa larong ito.

May mga injury naman sina Tyler Roberts, Patrick Bamford at Adam Forshaw kaya hindi sila magtatampok dito.

Tinalo ng Arsenal ang Leeds 2-0 sa fourth round ng Carabao Cup noong Oktubre. Ang mga goal nina Calum Chambers at Eddie Nketiah ang nagbigay ng panalo para sa Gunners. 

Muling nagkita ang dalawang panig sa Premier League noong Disyembre kung saan muling nagwagi ang Arsenal 4-1. Binigyan ng 3-0 na kalamangan nina Gabriel Martinelli (2) at Saka sa Elland Road bago nagbuslo si Raphinha ng penalty para sa mga hosts. Ngunit muling naka-goal ang Arsenal sa ika-84 minuto sa pamamagitan ni Smith Rowe.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Arsenal kontra Leeds. Huling natalo ang Gunners sa serye noong 2003. 

Verdict

Maganda ang porma ng Arsenal kaya inaasahan namin na muli nilang tatalunin ang Leeds.

Best Bet: Arsenal To Win @3/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Arsenal
To Win
@3/7 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan