• Home
  • Football
  • English Premier League

Aston Villa vs Manchester United Tips - Red Devils muling tatalunin ang Villans

Mga tip sa Aston Villa vs Manchester United sa English Premier League sa Sabado (17:30 GMT)
Ang laro ay gaganapin sa Villa Park
Tinalo ng Man United ang Aston Villa sa FA Cup noong Lunes
Tinalo ng Aston Villa ang Man United sa kanilang unang paghaharap ngayong season
Natalo ang Aston Villa at Man United sa kanilang huling mga laro sa Premier League
Cristiano Ronaldo
Cristiano Ronaldo (Eric Alonso/Getty Images)
Librengpusta Staff 12 Jan 2022
Share this article
success image
Muling maghaharap ang Manchester United at Aston Villa sa English Premier League sa Sabado.

Huling nagkita ang dalawang panig sa third round ng FA Cup noong Lunes kung saan nagtala ang Red Devils ng 1-0 na panalo sa Old Trafford. Naging sapat na ang maagang header ni Scott McTominay para maka-abante ang mga host sa susunod na round ng kompetisyon.

Napaghiganti rin ng Man United ang kanilang 1-0 na pagkatalo kontra Aston Villa sa Premier League noong Seytembre. Si Kortney Hause ang nagselyo ng panalo para sa Villans sa ika-88 minuto. 

Natalo ang Man United kontra Wolverhampton 1-0 sa kanilang huling laro sa Premier League kaya determinado silang muling talunin ang Aston Villa. Kasalukuyang nasa ikapitong pwesto ang panig ni Ralf Rangnick sa liga na may 31 puntos mula sa 19 na laban.

Sina Paul Pogba, Harry Maguire at Tahith Chong ang mga siguradong hindi maglalaro para sa Man United dito dahil sa injury habang parehong suspendido sina McTominay at Luke Shaw. Wala rin si Eric Bailly, na kasalukuyang naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Nakalasap naman ang Aston Villa ng magkasunod na mga pagkatalo sa Chelsea (3-1) at Brentford (2-1) sa kanilang huling dalawang laban sa Premier League. Dahil dito ay bumagsak ang panig ni Steven Gerrard sa ika-19 na pwesto na may 22 puntos mula sa 19 na laban.

Sina Marvelous Nakamba at Leon Bailey ang mga nasa injury list ng Aston Villa habang suspendido si John McGinn. Naglalaro naman sa Africa Cup of Nations sina Mahmoud Ibrahim Hassan at Bertrand Isidore Traore.
US

Verdict

Inaasahan namin na muling tatalunin ng Manchester United ang Aston Villa.

Best Bet: Manchester United To Win @125.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events