• Home
  • Football
  • English Premier League

Brentford vs Chelsea Tips - Parehong koponan iiskor

  • Ang EPL Week 8 na laro ay gagawin sa Brentford Community Stadium sa Sabado (17:30 BST)
  • Tatangkain ng Brentford ang magkasunod na panalo matapos talunin ang West Ham sa kanilang huling laro
  • Nangunguna ang Chelsea sa liga na may 16 na puntos
  • Tinalo ng Blues ang Southampton sa kanilang huling laro
  • Ito ang unang pagtatagpo ng Brentford at Chelsea simula noong 2017 FA Cup
Ben Chilwell
Ben Chilwell (Catherine Ivill/Getty Images)
Librengpusta Staff 14 Oct 2021
Share this article
success image
Tutungo ang Chelsea sa Brentford sa unang pagkakataon simula noong 2013 sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa English Premier League sa Sabado.

Nagwagi ang Blues sa tatlo sa kanilang huling apat na laro sa liga para pangunahan ang table na may 16 na puntos sa pitong laro.

Tinambakan nila ang Southampton 3-1 bago pansamantalang tumigil ang liga para magbigay daan sa FIFA World Cup qualifiers. Binigyan ni Trevoh Chalobah ng maagang kalamangan ang Chelsea bago nagdagdag ng goals sina Timo Werner and Ben Chilwell sa huling bahagi ng laro. Muling nanalo ang Blues matapos matalo ng 1-0 laban sa Man City (Premier League) at Juventus (Champions League).

Nagtamo si Romelu Lukaku ng muscle soreness sa kanyang paglalaro sa Belgium sa World Cup qualifiers ngunit inaasahan naman siyang maglaro dito.

Ang magandang balita sa mga tagasuporta ng Chelsea ay kapwa nakabalik na sa ensayo sina N'Golo Kante at Reece James at maari silang maglaro sa Sabado.

Maganda rin ang nilalaro ng Brentford sa kanilang pagbabalik sa Premier League. Hindi natalo ang Bees sa kanilang huling tatlong laro sa liga. Nagtala sila ng mga panalo sa Wolverhampton (2-0) at West Ham (2-1) at nagtabla naman sa Liverpool 3-3 sa kanilang tahanan.

Si Yoane Wissa ay inaasahang magpakitang gilas muli matapos umiskor ng winning goal laban sa West Ham at ng equaliser kontra sa Liverpool. Muli niyang pangungunahan ang pag-atake ng koponan kasama sina Bryan Mbeumo at Ivan Toney. 

Ito ang kauna-unahang pagkikita ng Brentford at Chelsea simula noong ika-apat na round ng 2017 FA Cup na naipanalo ng Blues 4-0 sa Stamford Bridge.
US

Verdict

Inaasahang kapwa makakabuslo ang dalawang koponan sa Brentford Community Stadium.

Best Bet: Yes Both Teams to Score @105.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

16 ต.ค. 2564

Brentford v Chelsea