• Home
  • Football
  • English Premier League

Brentford vs Everton Tips - Draw para sa Bees at Toffees

  • Mga tip sa Brentford vs Everton sa English Premier League sa Linggo (14:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Brentford Community Stadium
  • Bigong makakuha ng panalo ang parehong koponan sa kanilang mga huling laro
  • Ito ang unang pagkikita ng Brentford at Everton mula noong 2010
Ivan Toney
Ivan Toney (Alex Burstow/Getty Images)
Librengpusta Staff 24 Nov 2021
Share this article
success image
Matagal ng hindi nakakatikim ng panalo ang Brentford at Everton sa English Premier League kaya determinado silang magwagi sa kanilang laban sa Linggo. 

Natalo ang Brentford ng apat na magkasunod na laro bago sila nagtala ng 3-3 draw sa Newcastle United sa kanilang huling laro. Naka-goal sina Ivan Toney at Rico Henry para sa Bees, na kasalukuyang nasa ika-14 na pwesto sa liga na may 13 puntos mula sa 12 laro.

Hindi makakalaro sina Kristoffer Ajer, David Raya at Joshua Dasilva para sa Brentford.

Nakapagtala naman ang Everton ng apat na talo at dalawang draw sa kanilang huling anim na laro.

Nakalasap ang Toffees ng 3-0 na pagkatalo sa Manchester City noong nakaraang round. Nasa ika-11 pwesto ang panig ni Rafael Benitez na may 15 puntos. 

Kapwa suspendido sina Richarlison at Mason Holgate kaya hindi sila magtatampok dito. May mga injury naman sina Thomas Davies, Yerry Mina, Abdoulaye Doucoure at Dominic Calvert-Lewin.

Ito ang unang pagkikita ng Brentford at Everton mula pa noong 2010 League Cup kung saan nanalo ang Bees sa penalty shootout. Huling nanalo ang Toffees sa serye noon pang 1954.
US

Verdict

Hindi malayong mauwi ang larong ito sa isang draw at makaka-goal ang parehong koponan.

Best Bet: Draw/Yes Result/Both Teams to Score @350.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

28 พ.ย. 2564

Brentford v Everton