• Home
  • Football
  • English Premier League

Brighton vs Crystal Palace Tips - Seagulls mamamayagpag

  • Mga tip sa Brighton vs Crystal Palace sa English Premier League sa Biyernes (20:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Falmer Stadium
  • Nagtala ng 2 panalo at 2 draw ang Brighton sa kanilang huling 4 na laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Natalo ang Crystal Palace sa 2 sa kanilang huling 3 laro sa Premier League
  • Nauwi sa draw ang unang pagkikita ng Brighton at Crystal Palace
Alexis Mac Allister
Alexis Mac Allister (ASANO IKKO/AFP via Getty Images)
Librengpusta Staff 10 Jan 2022
Share this article
success image
Hindi natalo ang Brighton sa kanilang huling tatlong laro sa English Premier League at nais nilang ipagpatuloy ito pagkatapos ng kanilang laban kontra Crystal Palace sa Biyernes.

Inumpisahan ng Seagulls ang bagong taon sa isang 3-2 na panalo sa Everton noong Enero 2. Nagtala ng dalawang goal si Alexis Mac Allister habang nagdagdag ng isa pa si Dan Burn para pangunahan ang Brighton sa kanilang kauna-unahang panalo sa Goodison Park.

Dahil dito ay umangat sa ika-siyam na pwesto sa liga ang panig ni Graham Potter na may 27 puntos mula sa 19 na laro. 

Nagtala rin ang Brighton ng 2-1 na panalo sa extra time kontra West Brom sa third round ng FA Cup noong Sabado kung saan naka-goal sina Jakub Moder at Neal Maupay.

Sina Jeremy Sarmiento, Lewis Dunk, Yves Bissouma at Enock Mwepu ang mga nasa injury list ng Brighton.

Determinado naman makabawi ang Crystal Palace matapos nilang makalasap ng 3-2 na pagkatalo sa West Ham United sa kanilang huling laro sa Premier League. Nagsuko ang Eagles ng tatlong goal sa first half bago nakabuslo sina Odsonne Edouard at Micheal Olise. 

Umabante naman ang Crystal Palace sa fourth round ng FA Cup matapos nilang maglista ng 2-1 na tagumpay sa Millwall noong Sabado. Maaga silang nagsuko ng goal bago gumanti sina Olise at Jean-Philippe Mateta.

Inaalam pa ang mga kalagayan nina Wilfried Zaha at Cheikhou Kouyate para sa panig ni Patrick Vieira.

Nauwi sa isang 1-1 draw ang laro ng Brighton at Crystal Palace noong Setyembre. Binigyan ng kalamangan ni Zaha ang Eagles bago mag half-time bago tinabla ni Maupay ang laro sa injury time.
US

Verdict

Inaasahan namin na mananalo ang Brighton sa labang ito.

Best Bet: Brighton To Win @100.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events