• Home
  • Football
  • English Premier League

Burnley vs Leicester City Tips - Foxes magwawagi

  • Mga tip sa Burnley vs Leicester City sa English Premier League sa Sabado (15:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Turf Moor
  • Natalo ang Burnley sa kanilang huling 3 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Tinalo ng Leicester ang Liverpool sa kanilang huling laro
  • Nauwi sa isang draw ang unang pagkikita ng Leicester at Burnley ngayong season
Ademola Lookman
Ademola Lookman (Catherine Ivill/Getty Images)
Librengpusta Staff 11 Jan 2022
Share this article
success image
Ipagpapatuloy ng Leicester City ang kanilang kampanya sa English Premier League sa Sabado kontra Burnley.

Ito ang unang laro ng Foxes sa Premier League simula noong Disyembre 28 kung saan tinalo nila ang Liverpool 1-0 sa pamamagitan ng goal ni Ademola Lookman.

Kagagaling naman ng Leicester sa isang 4-1 na panalo kontra Watford sa third round ng FA Cup noong Sabado. Naka-goal sina Youri Tielemans, James Maddison, Harvey Barnes at Marc Albrighton para sa panig ni Brendan Rodgers.

Sina Ricardo Pereira, Jamie Vardy, Wesley Fofana, Caglar Soyuncu at Jonny Evans ang mga nasa injury list ng Leicester. Hindi rin maglalaro sina Kelechi Iheanacho, Nampalys Mendy, Daniel Amartey at Wilfred Ndidi dahil sa Africa Cup of Nations.

Bigo naman manalo ang Burnley sa kanilang huling pitong laro kung saan nagtala sila ng apat na draw at tatlong talo. Nakalasap ang Clarets ng magkasunod na mga pagkatalo sa Manchester United (3-1) at Leeds United (3-1).

Kasalukuyang nasa ika-18 pwesto ang panig ni Sean Dyche na may 11 puntos mula sa 17 laro.

Nagwakas din ang kampanya ng Burnley sa FA Cup noong Sabado matapos nilang makalasap ng 2-1 na pagkatalo sa Huddersfield Town. 

Si Ashley Barnes ang nasa injury list ng Burnley habang inaalam pa ang mga kalagyan nina Chris Wood, Johann Berg Gudmundsson at Connor Roberts. Wala rin si Maxwel Cornet na kasalukuyang naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Nauwi sa isang 2-2 draw ang huling pagkikita ng Burnley at Leicester noong Setyembre. Naka-dalawang goal si Vardy para sa Foxes ngunit nagtala rin siya ng own goal. Si Cornet ang naka-goal para sa Burnley.
US

Verdict

Asahan na ang dikit na laban at ang panalo para sa Leicester sa larong ito.

Best Bet: Leicester To Win @125.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events