- Friday 4
- Saturday 5
- Sunday 6
- Monday 7
- Tuesday 8
- Wednesday 9
- Thursday 10
- Friday 11
- Saturday 12
- Sunday 13
- Monday 14
Everton vs Crystal Palace Tips - Panalo ng Toffees inaasahan
- Mga tip sa Everton vs Crystal Palace sa English Premier League sa Huwebes (19:45 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa Goodison Park
- Bigong manalo ang Everton sa kanilang huling 2 laro
- Nagtala ng 1-1 draw ang Crystal Palace kontra Aston Villa sa kanilang huling laro
- Nilampaso ng Crystal Palace ang Everton 4-0 sa FA Cup noong Marso
- Tinalo ng Crystal Palace ang Everton 3-1 sa Premier League noong Disyembre
Expired
Richarlison (Lynne Cameron/Getty Images)
Maghaharap ang Everton at Crystal Palace sa English Premier League sa Huwebes.
Kailangan ng Everton ang panalong ito dahil puwede pa silang malaglag sa relegation zone. Kasalukuyang nasa ika-16 puwesto ang Toffees sa liga na may 36 puntos.
Natalo ang Everton kontra Brentford 3-2 noong nakaraang round. Naka-goal sina Dominic Calvert-Lewin at Richarlison para sa Toffees ngunit nagsuko rin si Seamus Coleman ng own goal.
Bago ang labang ito ay nagtala ang Everton ng 0-0 draw sa Watford.
Pangungunahan nina Richarlison, Demarai Gray at Dominic Calvert-Lewin ang Everton sa larong ito. Si Richarlson ang nangungunang scorer ng Everton na may 9 goals sa Premier League ngayong season.
Hindi naman magagamit ni Everton boss Frank Lampard sina Yerry Mina, Donny van de Beek, Cenk Tosun, Nathan Patterson, Andros Townsend at Tom Davies sa larong ito dahil sa injury.
Hindi natalo ang Crystal Palace sa kanilang huling apat na laro kung saan nagtala sila ng dalawang panalo at dalawang draw.
Naglista sila ng 1-1 draw sa Aston Villa sa kanilang huling laban. Si Jeff Schlupp ang nagpuwersa ng tabla matapos niyang makabuslo sa ika-81 minuto.
Kasalukuyang nasa ika-12 puwesto ang panig ni Patrick Vieira na may 45 puntos mula sa 36 laro.
May 13 goals si Wilfried Zaha sa Premier League ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Crystal Palace sa larong ito.
Ito ang ikatlong paghaharap ng Everton at Crystal Palace ngayong season.
Unang nagkita ang dalawang panig sa Premier League noong Disyembre kung saan nagtala ang Eagles ng 3-1 panalo sa Selhurst Park. Dalawang beses naka-goal si Conor Gallagher habang nagdagdag ng isa pang goal si James Tomkins. Si Salomon Rondon ang tanging nakabuslo para sa Everton.
Muling nagharap ang dalawang panig sa Selhurst Park noong Marso sa FA Cup quarter-finals at muling nagwagi ang Crystal Palace 4-0. Naka-goal sina Marc Guehi, Jean-Philippe Mateta, Zaha at Will Hughes para sa Eagles.
Bago natalo ng dalawang sunod kontra Crystal Palace ay nagkaroon ng 13-match unbeaten streak ang Everton sa serye.
Verdict
Mas kailangan ng Everton ang panalong ito kaya inaasahan namin sila na magwagi kontra Crystal Palace.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.