• Home
  • Football
  • English Premier League

Liverpool vs Brentford Tips - Reds babawian ang Bees

  • Mga tip sa Liverpool vs Brentford sa English Premier League sa Linggo (14:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Anfield
  • Hindi nanalo ang Liverpool sa kanilang huling 3 laro sa Premier League
  • Natalo ang Brentford sa 3 sa kanilang huling 4 na laro sa Premier League
  • Nagtabla ang Liverpool at Brentford sa kanilang unang paghaharap ngayong season
Diogo Jota
Diogo Jota (David Ramos/Getty Images)
Librengpusta Staff 13 Jan 2022
Share this article
success image
Bigong makakuha ng panalo ang Liverpool sa kanilang huling tatlong laro sa Premier League kaya determinado silang makabawi laban sa Brentford sa Linggo.

Nagtala ng 2-2 draw ang Reds sa Chelsea sa kanilang huling laro sa liga. Binigyan nina Sadio Mane at Mohamed Salah ng 2-0 na kalamangan ang Liverpool matapos ang 26 na minuto ngunit nagsuko rin sila ng dalawang goal bago mag half-time. 

Dahil dito ay nananatiling nasa ikatlong pwesto ang Reds sa liga na may 42 puntos mula sa 20 laro.

Kagagaling naman ng Reds sa isang 4-1 na panalo kontra Shrewsbury Town sa third round ng FA Cup noong nakaraang Linggo. Nagtala ng dalawang goal si Fabinho at nagbuslo rin sina Kaide Gordon at Roberto Firmino.

Hindi magagamit ni Liverpool boss Jürgen Klopp sina Harvey Elliott, Thiago Alcantara, Divock Origi at Nathaniel Phillips sa larong ito dahil sa injury. Wala rin sina Salah, Mane at Naby Keita, na lahat ay naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Nakalasap naman ng 4-1 na pagkatalo ang Brentford sa Southampton sa kanilang nakaraang laban sa Premier League. Tanging si Vitaly Janelt ang nakabuslo para sa Bees habang nagtala naman ng own goal si Alvaro. Ito ang ikatlong talo ng Brentford sa kanilang huling apat na laro sa liga para bumagsak sa ika-13 pwesto na may 23 puntos mula sa 20 laro.

May mga injury sina Joshua Dasilva, Mathias Jorgensen, Charlie Goode at Julian Jeanvier at hindi sila magtatampok sa larong ito. Wala rin si Frank Onyeka, na naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Nauwi sa isang 3-3 draw ang unang paghaharap ng Liverpool at Brentford ngayong season. Naka-goal sina Diogo Jota, Salah at Curtis Jones para sa Reds habang nagbuslo sina Ethan Pinnock, Janelt at Curtis Jones para sa Bees.
US

Verdict

Inaasahan namin na manalo ang Liverpool sa kabila ng hindi paglalaro ng ilan sa kanilang mga star player.

Best Bet: Liverpool To Win to Nil @110.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events