- Friday 4
- Saturday 5
- Sunday 6
- Monday 7
- Tuesday 8
- Wednesday 9
- Thursday 10
- Friday 11
- Saturday 12
- Sunday 13
- Monday 14
Liverpool vs Wolverhampton Wanderers Tips - Reds tatalunin ang Wolves sa kanilang huling laro
- Mga tip sa Liverpool vs Wolverhampton Wanderers sa English Premier League sa Linggo (16:00 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa Anfield
- Kailangan manalo ng Liverpool dito para buhayin ang kanilang tsansang magkampeon sa Premier League
- Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling 17 laro sa lahat ng mga kompetisyon
- Tinalo ng Liverpool ang Wolverhampton noong Disyembre
Expired
Mohamed Salah (Eric Alonso/Getty Images)
Buhay pa ang tsansa ng Liverpool na magkampeon sa English Premier League ngayong season ngunit hindi ito nakasalalay sa kanilang mga kamay.
Kasalukuyang pumapangalawa ang Reds sa Manchester City papasok sa huling round ng kompetisyon ngunit isang puntos lang ang lamang ng Citizens 90-89. Lamang din ang Man City sa goal difference 72-66.
Para makuha ang kanilang ikalawang kampeonato sa loob ng tatlong taon ay kailangan talunin ng Liverpool ang Wolverhampton sa Linggo at kailangan mag-draw o matalo ang Man City kontra Aston Villa sa kanilang huling laro.
Magkakampeon din ang Reds kung mag-draw sila kontra sa Wolves at matalo ang Citizens kontra Aston Villa ng higit sa pitong goal.
Kung sakaling magtapos ang Man City at Liverpool na may parehong puntos at goal difference, ang koponan na may mas maraming goals ang tatanghaling kampeon. Kung tabla pa rin ang dalawang panig ay magkakaroon ng one-game play-off para madetermina ang kampeon.
Binuhay ng Liverpool ang kanilang tsansa na makakuha ng quadruple ngayong season matapos nilang magtala ng 2-1 panalo sa Southampton noong Martes.
Maagang nagsuko ng goal ang panig ni Jürgen Klopp sa St Mary’s Stadium bago tinabla ni Takumi Minamino ang laro sa ika-27 minuto. Sinelyohan naman ni Joel Matip ang panalo ng Reds sa ika-67 minuto matapos niyang magbuslo ng header.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Liverpool sa lahat ng mga kompetisyon at hindi sila natalo sa kanilang huling 17 laro.
Muling pangungunahan ni Mohamed Salah ang Liverpool sa labang ito. Ang Egyptian superstar ang nangungunang scorer ng Premier League ngayong season na may 22 goals. Inaasahan din na magparamdam sina Diogo Jota at Sadio Mane sa labang ito. Hindi naman magagamit ni Klopp si Fabinho dahil sa injury.
Nasa ikawalong puwesto naman ang Wolverhampton na may 51 puntos mula sa 37 laban. Bigong makakuha ng panalo ang panig ni Bruno Lage sa kanilang huling anim na laro at nais lang nila na tapusin ang season sa isang panalo.
Nagtala ang Wolves ng 1-1 draw kontra Norwich City sa kanilang huling laro. Naka-goal si Rayan Ait-Nouri sa second half para magpuwersa ng tabla.
Sina Raul Jimenez at Hwang Hee-chan ang mangunguna sa pag-atake ng Wolverhampton, na tatangkaing makuha ang kanilang unang panalo kontra Liverpool mula noong 2019 FA Cup. Hindi naman magtatampok sina Max Kilman, Ruben Neves at Matija Sarkic dahil sa injury.
Tinalo ng Liverpool ang Wolverhampton 1-0 noong Disyembre sa kanilang unang pagkikita sa Premier League ngayong season. Ang goal ni Divock Origi sa huling minuto ng laro ang nagselyo ng panalo para sa Reds sa Molineux Stadium. Ito ang ika-anim na sunod ng panalo ng Liverpool kontra Wolverhampton.
Verdict
Determinado ang Liverpool sa kanilang hangad na makakuha ng quadruple ngayong season kaya inaasahan namin silang magwagi sa kanilang huling laro sa Premier League ngayong season.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.