• Home
  • Football
  • English Premier League

Manchester United vs Liverpool Tips - Asahan ang tabla

  • Mga hula sa Man United vs Liverpool para sa laban sa Premier League sa Linggo
  • Gagawin ang laro sa Old Trafford (4:30 pm BST)
  • Ang Man United ay walang talo sa kanilang huling 3 laban sa bahay
  • Preview, istatistika at balita sa koponan
Cristiano Ronaldo
Cristiano Ronaldo (Naomi Baker/Getty Images)
Librengpusta Staff 24 Oct 2021
Share this article
success image
Asahan ang umaatikabong sagupaan sa pagitan ng Manchester United at Liverpool sa Old Trafford sa Linggo.

Bigong makakuha ang Man United ng panalo sa kanilang huling tatlong laro sa English Premier League. Noong nakaraang linggo, nakalasap ang panig ni Ole Gunnar Solskaer ng 4-2 na pagkatalo sa Leicester City.

Dahil dito ay lumagpak ang Man United sa ika-anim na pwesto sa liga na may 14 na puntos sa walong laro. 

Bumawi naman ang Red Devils sa Champions League matapos nilang talunin ang Atalanta 3-2 noong Miyerkules.

Nagsuko sila ng dalawang goal bago mag half-time bago gumanti sina Marcus Rashford, Harry Maguire at Cristiano Ronaldo sa second half.

Sa kasamaang palad ay nagtamo sina Rashford, Fred at Bruno Fernandes ng mga injury sa larong iyon at hindi sila siguradong magtatampok dito.

Maaari namang magbalik sina Anthony Martial at Amad Diallo habang wala pa rin si Raphael Varane. 

Hindi pa natatalo ang Liverpool sa Premier League ngayong season at kasalukuyan silang nasa ikalawang pwesto na may 18 puntos.
Mohamed Salah
Mohamed Salah (David Ramos/Getty Images)

Tinambakan ng panig ni Jurgen Klopp ang Watford 5-0 sa kanilang huling laro sa Premier League kung saan nagtala si Roberto Firmino ng hat-trick.

Sunod namang tinalo ng Liverpool ang Atletico Madrid 3-2 sa Champions League noong Martes. Dalawang beses naka-goal si Mohamed Salah habang nagdagdag si Naby Keita ng isa pa para pangunahan ang koponan. 

Inaasahang magbabalik na si Curtis Jones matapos hindi makalaro sa kanilang huling dalawang laro dahil sa injury. 

Hindi naman makakalaro sina Thiago Alcantara at Harvey Elliott. 

Tinalo ng Liverpool ang Man United 4-2 sa Old Trafford sa kanilang huling pagkikita noong Mayo.

Man United vs Liverpool Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Man United vs Liverpool live stream?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang Man United vs Liverpool live stream.

US

Hatol

Parehong magaling ang Man U at Liverpool kaya hindi malayo na mauwi ang larong ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @260.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

24 ต.ค. 2564

Man Utd v Liverpool