• Home
  • Football
  • English Premier League

Manchester City vs Aston Villa Tips - Man City seseloyhan ang kampeonato

18 May 2022
Librengpusta Staff 18 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Manchester City vs Aston Villa sa English Premier League sa Linggo (16:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Etihad Stadium
Lamang ang Man City sa Liverpool ng isang puntos papasok ng huling round ng kompetisyon
Nagtala ang Man City ng 2-2 draw sa West Ham sa kanilang huling laro
  • Kagagaling din ng Aston Villa sa isang draw
  • Nanalo ang Man City sa kanilang huling 8 laro kontra Aston Villa
Expired
Kevin De Bruyne
Kevin De Bruyne (David Ramos/Getty Images)
Kailangan talunin ng Manchester City ang Aston Villa sa kanilang huling laro sa English Premier League ngayong season para selyohan ang kanilang ika-apat na kampeonato sa nakalipas na limang taon.

Kasalukuyang may 90 puntos ang Citizens at isang puntos lang ang kanilang lamang sa Liverpool papasok sa huling round ng kompetisyon. 

Lamang din ang Man City sa goal difference kaya mas maganda ang kanilang pag-asang magkampeon kontra sa Reds. 

Determinadong makuha ng panig ni Pep Guardiola ang panalong ito dahil puwede sila masilat ng Liverpool kung mag-draw o matalo sila kontra Aston Villa. 

Kagagaling ng Man City sa isang 2-2 draw sa West Ham United kung saan nakabalik sila sa 0-2 deficit. Naka-goal si Jack Grealish habang ang own goal ni Vladimír Coufal ang nagbigay ng importanteng puntos para sa Citizens. Hindi natalo ang Man City sa kanilang huling 11 laro sa Premier League.

Pangungunahan nina Kevin De Bruyne, Raheem Sterling at Riyad Mahrez ang pag-atake ng Citizens. May 15 goals si De Bruyne sa Premier League ngayong season habang 13 beses nakabuslo si Sterling.

Balak lang ng Aston Villa na tapusin ang kanilang kampanya sa positibong paraan. Kasalukuyang nasa ika-14 puwesto ang panig ni Steven Gerrard na may 44 puntos. 

Nagtala ng 1-1 draw kontra Crystal Palace ang Villans sa kanilang huling laro. Binigyan ng kalamangan ni Ollie Watkins ang Villans sa ika-69 minuto bago tinabla ni Jeff Schlupp ang laro sa ika-81 minuto. 

May 11 goals si Watkins sa Premier League ngayong season at siya ang nangungunang scorer ng Aston Villa. 

Tinalo ng Man City ang Aston Villa 2-1 noong Disyembre sa kanilang unang pagkikita sa Premier League ngayong season. Nakaa-goal sina Ruben Dias at Bernardo Silva para pangunahan ang Man City sa kanilang ikawalong sunod na panalo kontra Aston Villa sa lahat ng mga kompetisyon.

Tanging si Watkins ang nakabuslo para sa Villans, na huling tinalo ang Man City noon pang 2013. 

Verdict

Inaasahan namin na makukuha ng Man City ang panalong ito at makuha ang kampeonato ngayong season.

Best Bet: Man City To Win @1/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Man City
To Win
@1/7 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan