• Home
  • Football
  • English Premier League

Manchester United vs West Ham United Tips - Red Devils magtatagumpay

20 Jan 2022
Librengpusta Staff 20 Jan 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Manchester United vs West Ham United sa English Premier League sa Sabado (15:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Old Trafford
  • Nagtala ng panalo ang Man United sa Brentford sa kanilang huling laban
  • Natalo ang West Ham kontra Leeds sa kanilang nakaraang laban
  • Nagpalitan ng panalo ang Man United at West Ham sa kanilang 2 pagkikita ngayong season
Expired
Cristiano Ronaldo
Cristiano Ronaldo (Eric Alonso/Getty Images)
Maghaharap ang Manchester United at West Ham United sa English Premier League sa Sabado.

Ito ang ikatlong pagkikita ng dalawang panig ngayong season. 

Nagtala ang Man United ng 2-1 na panalo sa West Ham sa kanilang sagupaan sa Premier League noong Setyembre 19. Sinelyohan ni Jesse Lingard ang panalo ng Red Devils sa ika-89 minuto. Bago nito ay nagpalitan ng mga goal sina Said Benrahma at Cristiano Ronaldo sa first half. 

Muling nagkita ang dalawang panig sa EFL Cup (Carabao Cup) pagkatapos ng tatlong araw at nagwagi ang Hammers 1-0 sa Old Trafford sa pagkakataong ito. Maagang umiskor si Manuel Lanzini at naging sapat na ito para makuha nila ang panalo. 

Kagagaling ng Man United sa isang 3-1 na tagumpay sa Brentford noong Miyerkules. Sina Anthony Elanga, Mason Greenwood at Marcus Rashford ang mga naka-goal para sa Red Devils, na kasalukuyang nasa ika-pitong pwesto sa liga na may 35 puntos mula sa 21 laro.

Patuloy na hindi maglalaro sa panig ni Ralf Rangnick sina Paul Pogba at Tahith Chong dahil sa injury. May sakit naman si Aaron Wan-Bissaka habang naglalaro sa Africa Cup of Nations si Eric Bailly.

Determinado namang makabawi ang West Ham matapos nilang makalasap ng 3-2 na kabiguan kontra Leeds United noong Linggo. Sina Jarrod Bowen at Pablo Fornals ang naka-goal para sa Hammers, na naputol ang four-match winning streak sa lahat ng mga kompetisyon.

Kasalukuyang nasa ika-apat na pwesto ang panig ni David Moyes na may 37 puntos mula sa 22 laro. 

Hindi maglalaro sina Angelo Ogbonna, Mark Noble at Kurt Zouma dito dahil sa injury habang naglalaro naman si Benrahma sa Africa Cup of Nations.

Verdict

Inaasahan namin na magwagi ang Man United kontra West Ham.

Best Bet: Manchester United To Win @17/20 at Hollywood bets - 1 Unit
Manchester United
To Win
@17/20 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan