• Home
  • Football
  • English Premier League

Newcastle United vs Watford Tips - Magpies tatalunin ang Hornets

  • Mga tip sa Newcastle United vs Watford sa English Premier League sa Sabado (15:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa St James' Park
  • Hindi nanalo ang Newcastle sa kanilang huling 5 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Natalo ang Watford sa kanilang huling pitong laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Nagresulta sa tabla ang unang paghaharap ng Newcastle at Watford ngayong season
Sean Longstaff
Sean Longstaff (Ian MacNicol/Getty Images)
Librengpusta Staff 12 Jan 2022
Share this article
success image
Parehong nangungulelat ang Newcastle at Watford sa English Premier League ngayong season kaya determinado silang manalo sa kanilang sagupaan sa Sabado.

Nasa ika-19 na pwesto ang Newcastle na may 11 puntos mula sa 19 na laro habang nasa ika-17 pwesto ang Watford na may 13 puntos mula sa 18 laban.

Bigong manalo ang Magpies sa kanilang huling limang laro sa lahat ng mga kompetisyon. Kagagaling ng panig ni Eddie Howe ng 1-0 na pagkabigo kontra Cambridge United sa third round ng FA Cup noong Sabado.

Hindi magtatampok sina Isaac Hayden, Callum Wilson, Federico Fernandez at Jamal Lewis sa larong ito dahil sa injury habang suspendido si Javier Manquillo.

Natalo naman ang Watford sa kanilang huling pitong laro sa lahat ng mga kompetisyon. Tulad ng Newcastle ay natapos din ang kampanya ng Hornets sa FA Cup noong Sabado matapos nilang makalasap ng 4-1 na pagkatalo sa Leicester City. Tanging si João Pedro ang nakabuslo para sa Hornets.

Mahaba ang injury list ng Watford at kabilang dito sina Nicolas Nkoulou, Peter Etebo, Ismaila Sarr, Christian Kabasele, Ben Foster at Kwadwo Baah. Hindi rin magagamit ni Watford boss Claudio Ranieri sina Imran Louza, Adam Masina at William Troost-Ekong na lahat ay kasalukuyang naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Nagresulta sa 1-1 draw ang unang paghaharap ng Newcastle at Watford ngayong season. Binigyan ng kalamangan ni Sean Longstaff ang Magpies sa first half bago gumanti si Sarr ng goal para sa Hornets sa second half. 
US

Verdict

Inaasahan namin na makuha ng Newcastle ang kanilang ikalawang panalo ngayong season.

Best Bet: Newcastle United To Win @100.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events