• Home
  • Football
  • English Premier League

Norwich City vs Everton Tips - Panalo para sa Toffees

  • Mga tip sa Norwich City vs Everton sa English Premier League sa Sabado (15:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Carrow Road
  • Natalo ang Norwich sa kanilang huling 6 na laro
  • Hindi nanalo ang Everton sa kanilang huling 3 laro
  • Tinalo ng Everton ang Norwich City noong Setyembre
Andros Townsend
Andros Townsend (Bryn Lennon/Getty Images)
Librengpusta Staff 13 Jan 2022
Share this article
success image
Parehong determinadong manalo ang Norwich City at Everton sa kanilang sagupaan sa English Premier League sa Sabado.

Natalo ang Norwich sa kanilang huling anim na laro para manatiling nasa pinakahuling pwesto sa liga na may 10 puntos mula sa 20 laro.

Nakalasap ng 2-0 na pagkatalo ang Canaries sa West Ham United sa kanilang huling laro. Tanging ang 1-0 na tagumpay sa Charlton Athletic ang nakuhang panalo ng Norwich sa kanilang siyam na laro sa lahat ng mga kompetisyon. 

Sina Mathias Normann, Andrew Omobamidele, Lukas Rupp, Christoph Zimmermann at Billy Gilmour ang mga nasa injury list ni Norwich boss Dean Smith.

Bigo naman makakuha ng panalo ang Everton sa kanilang huling tatlong laro sa Premier League. Nagtamo ang Toffees ng 3-2 na pagkatalo kontra Brighton sa kanilang huling laban. Tanging si Anthony Gordon ang naka-goal para sa Toffees, na kasalukuyang nasa ika-18 pwesto na may 19 puntos mula sa 18 laro.

Kagagaling ng Everton sa isang 3-2 extra time na panalo kontra Hull City sa third round ng FA Cup. Naglista ng mga goal sina Demarai Gray, André Gomes at Andros Townsend para pangunahan ang Toffees.

Hindi maglalaro sina Richarlison at Yerry Mina para sa panig ni Rafael Benitez dahil sa injury. Wala rin si Alex Iwobi, na kasalukuyang naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Tinalo ng Everton ang Norwich City 2-0 noong Setyembre sa unang pagkikita ng dalawang panig ngayong season. Nakabuslo sina Townsend at Abdoulaye Doucoure para pangunahan ang Toffees sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa seryeng ito.
US

Verdict

Tulad ng kanilang unang sagupaan ay inaasahan namin na magwagi ang Everton kontra Norwich City.
Best Bet: Everton To Win @100.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events