• Home
  • Football
  • English Premier League

Norwich City vs Wolverhampton Tips - Draw inaasahan sa Carrow Road

  • Mga tip sa Norwich City vs Wolverhampton Wanderers sa English Premier League sa Sabado (15:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Carrow Road
  • Tinalo ng Wolverhampton ang Norwich sa kanilang huling pagkikita
  • Galing sa panalo ang parehong koponan
Teemu Pukki
Teemu Pukki (KIRILL KUDRYAVTSEV/POOL/AFP via Getty Images)
Librengpusta Staff 24 Nov 2021
Share this article
success image
Maghaharap ang Norwich City at Wolverhampton sa English Premier League sa Sabado.

Galing sa panalo ang parehong koponan. 

Nagtala ang Norwich ng magkasunod na tagumpay laban sa Brentford (2-1) at Southampton (2-1) para umangat sa ika-12 pwesto na may walong puntos mula sa 12 laro.

Naka-goal si Teemu Pukki sa parehong laro kaya muli siyang inaasahan na pangunahan ang Norwich sa kanilang hangarin na makakuha ng ikatlong sunod na panalo. Siya ang nangungunang scorer ng Canaries na may apat na goal ngayong season.
Hwang Hee-chan
Hwang Hee-chan (Chung Sung-Jun/Getty Images)

Tinalo naman ng Wolverhampton ang West Ham United 1-0 sa kanilang huling laro. Si Raul Jimenez ang nagbigay sa Wolves ng kanilang ikalimang panalo sa kanilang huling pitong laro. 

Umakyat sa ika-anim na pwesto ang panig ni Bruno Lage na may 19 na puntos.

Inaasahang muling magpakitang gilas si Jimenez pati na rin si Hwang Hee-chan.

Tinambakan ng Wolverhampton ang Norwich City 3-0 sa kanilang huling pagkikita noong Pebrero. Nagtala ng tatlong panalo at isang draw ang Wolves sa kanilang huling apat na laro kontra sa Canaries, na huling nagtala ng panalo sa serye noong 2017.
US

Verdict

Parehong galing sa panalo ang Norwich at Wolverhampton kaya maaaring mauwi sa isang draw ang kanilang sagupaan sa Carrow Road.

Best Bet: Draw Result @230.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

27 พ.ย. 2564

Norwich v Wolverhampton