• Home
  • Football
  • English Premier League

West Ham United vs Norwich City Tips - Win to nil para sa Hammers

  • Mga tip sa West Ham United vs Norwich City sa English Premier League sa Miyerkules (19:45 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa London Stadium
  • Nanalo ang West Ham sa kanilang huling 3 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Natalo ang Norwich sa kanilang huling 5 laro
  • Nilampaso ng Hammers ang Canaries sa kanilang huling pagkikita
Manuel Lanzini
Manuel Lanzini (Christian Hofer/Getty Images)
Librengpusta Staff 10 Jan 2022
Share this article
success image
Nanalo ang West Ham United sa kanilang huling dalawang laro sa English Premier League at nais nilang palawigin ito pagkatapos ng laban nila kontra Norwich City sa Miyerkules.

Nagtala ang Hammers ng mga panalo sa Watford (4-1) at Crystal Palace (3-2) para manatiling nasa ikalimang pwesto sa liga na may 34 puntos mula sa 20 laro. 

Tinalo naman ng Hammers ang Leeds United 2-0 sa third round ng FA Cup noong Linggo sa likod ng mga goal nina Manuel Lanzini at Jarrod Bowen. 

Sina Kurt Zouma, Mohamed Said Benrahma, Aaron Cresswell at Angelo Ogbonna ang mga nasa injury list ng West Ham.

Natalo naman ang Norwich sa kanilang huling limang laro sa Premier League para manatiling nasa pinakahuling pwesto sa liga na may 10 puntos mula sa 19 na laro.

Nakalasap ng 3-0 na pagkatalo ang Canaries sa Crystal Palace sa kanilang huling laro sa liga noong Disyembre 28.

Nagtala naman ng 1-0 na panalo sa Charlton Athletic ang panig ni Dean Smith sa FA Cup noong Linggo. Si Milot Rashica ang nagpapanalo sa Canaries sa ika-79 minuto. 

Sina Christoph Zimmermann, Lukas Rupp, Andrew Omobamidele at Mathias Normann ang mga hindi magtatampok para sa Norwich sa larong ito dahil sa injury. Hindi naman sigurado sina Billy Gilmour at Todd Cantwell. 

Huling nagkita ang West Ham at Norwich noong 2020 kung saan nagtala ang Hammers ng 4-0 na panalo. Si Michail Antonio ang nagbuslo ng lahat na apat na goal para pangunahan ang Hammers sa kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Canaries sa lahat ng mga kompetisyon. Huling tinalo ng Norwich ang West Ham noong 2013.
US

Verdict

Inaasahan namin ang panalo para sa West Ham at hindi sila magsusuko ng goal.

Best Bet: West Ham To Win to Nil @-120.48 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events