• Home
  • Football

Estonia vs Wales FIFA World Cup Qualifiers Tips - Inaasahang manalo ang Dragons

  • Ang Matchday 8 Group E na laro ay gaganapin sa A Le Coq Arena sa Tallinn Lunes ng gabi (19:45 BST)
  • Ang Wales ay may 8 puntos sa 5 laro
  • Ang Estonia ay may 4 na puntos
  • Nagresulta ang laban ng Estonia at Wales sa isang goalless draw noong nakaraang buwan
dan james
Daniel James (MIKE HEWITT/POOL/AFP via Getty Images)
Librengpusta Staff 11 Oct 2021
Share this article
success image
Pupunta ang Wales sa Tallinn para sa isang importanteng laban kontra sa Estonia sa FIFA World Cup qualifiers sa Lunes.

Parehong may walong puntos ang Wales at Czech Republic sa Group E, ngunit ang Welsh ay may limang laro lamang kumpara sa anim ng Czechs. Nangunguna ang Belgium sa pangkat na may 16 na puntos.

Mauungusan ng Welsh ang Czechs sa ikalawang pwesto kapag tinalo nila ang Estonians o mauwi sa tabla ang laban.

Kagagaling ng Wales sa isang 2-2 na tabla laban sa Czech Republic sa Prague noong nakaraang Biyernes. Naka-own goal ang goalkeeper na si Danny Ward ngunit nakabawi naman ang koponan ni Robert Page ng tinabla ni Daniel James ang laro. 

Muling hindi maglalaro si Gareth Bale para sa Wales dahil sa injury sa tuhod. Hindi rin sumama sina Ben Davies and David Brooks na kapwa may sakit.

Pang-apat lamang ang Estonia sa pangkat na may apat na puntos sa limang laro ngunit hindi nila pina-iskor ang Wales sa kanilang laban sa Cardiff na nauwi sa draw noong nakaraang buwan. 

Tinalo naman ng Estonia ang Belarus 2-0 sa Tallinn noong Biyernes sa kanilang huling laro. Kapwa naka-goal sina Erik Sorga and Sergei Zenjov para pangunahan ang kanilang koponan sa kanilang kauna-unahang panalo sa qualifiers. 
US

Verdict

Kailangan ng Wales ang panalong ito at inaasahan naming magwawagi sila sa Tallinn. 

Best Bet: Wales Winner @-175.44 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

11 ต.ค. 2564

Estonia v Wales