• Home
  • Football

France vs Switzerland Prediksyon at Tips - Magwawagi ang Bleus sa Extra Time

  • Mga tips sa France vs Switzerland sa Euro 2020 sa Lunes
  • Ang Round-of-16 fixture ay lalaruin 8pm BST sa Arena Națională, Bucharest
  • Nakapagtala ng draw ang France sa 4 sa kanilang huling 5 laban kontra Switzerland
  • Sinusuportahan namin ang isang draw at magwawagi ang France sa extra time
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
France vs Switzerland Tips
Nakapagtala ang France ng draw sa 4 sa kanilang huling 5 laban kontra Switzerland (Getty Images)
Librengpusta Staff 28 Jun 2021
Share this article
success image

France vs Switzerland Prediksyon at Tips


Ang taktikal na diskarte ng Switzerland sa pagset-up ay maaaring magpahirap sa France sa kanilang Round-of-16 na laban sa Euro 2020. Sinusportahan namin ang isang draw at mananalo ang Bleus sa extra time.

  • Ang France ay hindi natalo sa kanilang huling 10 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Naglista ang France ng 3 draw sa kanilang huling 4 na laban (European Championship).
  • Nagtala ang France ng 4 na draw sa kanilang huling 5 laban kontra Switzerland (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Saklaw ng Switzerland ang under 2.5 goals sa kanilang huling 4 na laban kontra France (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Switzerland ay hindi natalo sa 9 sa kanilang huling 10 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagtala ng draw ang Switzerland sa 4 sa kanilang huling 6 na laban (European Championship).

Head-to-Head


Ang France ay mayroong 16-12 na kalamangan sa Switzerland na may 10 draw sa 38 laban.

Form ng France


Ang France ay walang talo sa kanilang huling 10 laban. Nanalo sila ng apat na magkasunod na laro bago ang European Championship.

Binuksan ng Bleus ang kanilang kampanya sa Euro 2020 sa isang 1-0 na panalo laban sa Germany. Nakinabang sila sa own goal ni Mats Hummels ngunit dinomina naman nila ang laro at maaaring nanalo pa ng mas malaking score line.

Sinundan naman nila ito ng isang 1-1 draw laban sa Hungary sa Budapest. Naitabla ni Antoine Griezmann ang laro sa ika-66 na minuto ngunit hindi na sila muling naka-goal at nagkasya na lang sa isang draw.

Nagtala naman ang panig ni Didier Deschamps ng isang 2-2 draw laban sa Portugal sa kanilang huling laro sa pangkat kung saan nagsuko sila ng dalawang penalty. Tinabla ni Karim Benzema ang laro mula sa penalty spot bago mag halftime bago niya binigyan ng kalamangan ang France dalawang minuto pa lang ang lumipas sa second half matapos maibuslo ang pasa ni Paul Pogba. 

France Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Hugo Lloris (captain), Steve Mandanda, Mike Maignan
Defenders: Benjamin Pavard, Presnel Kimpembe, Raphaël Varane, Clément Lenglet, Kurt Zouma, Lucas Digne, Lucas Hernandez, Léo Dubois, Jules Koundé
Midfielders: Paul Pogba, Thomas Lemar, Corentin Tolisso, N'Golo Kanté, Adrien Rabiot, Moussa Sissoko
Forwards: Antoine Griezmann, Olivier Giroud, Kylian Mbappé, Ousmane Dembélé, Karim Benzema, Kingsley Coman, Wissam Ben Yedder, Marcus Thuram

Si Lucas Digne ay may injury habang hindi naman sigurado si Lucas Hernandez kaya maaaring magsimula si Leo Dubois sa left back.

Maaring magbigay daan si Corentin Tolisso kay Adrien Rabiot sa midfield at inaasahang palitan ni Benjamin Pavard si Jules Kounde sa right back.

Nagtamo si Ousmane Dembele ng injury sa tuhod laban sa Hungary at hindi na maglalaro sa natitirang bahagi ng torneyo.

Form ng Switzerland


Ang Switzerland ay hindi natalo sa siyam sa kanilang huling 10 laban at nagwagi sila sa pito sa kanilang huling siyam na laro.

Ang panig ni Vladimir Petković ay nagtala ng 1-1 draw sa Wales sa kanilang pambungad na laban sa Group A. Dinomina nila ang laro kung saan nagkaroon sila ng 64% possession at 18-9 shots.

Nakalasap naman ang Swiss ng isang 3-0 na pagkatalo sa Italy sa kanilang pangalawang laro. Nagkaroon si Steven Zuber ng pagkakataon para umiskor sa Switzerland ngunit nabigo siya sa isang one-on-one play.

Tinalo ng Swiss ang Turkey 3-1 sa kanilang huling laro sa grupo. Binigyan ni Haris Seferovic ng kalamangan ang kanyang koponan anim na minuto pa lang ang nakalipas sa laro bago nagdagdag si  Xherdan Shaqiri ng dalawa pang goals. Nag-asiste naman si Zuber sa lahat ng tatlong goal. 

Mga Pinsala sa Switzerland at Balita ng Koponan


Goalkeepers: Yann Sommer, Jonas Omlin, Yvon Mvogo
Defenders: Fabian Schar, Ricardo Rodriguez, Manuel Akanji, Nico Elvedi, Jordan Lotomba, Becir Omeragic, Silvan Widmer, Loris Benito, Kevin Mbabu, Eray Comert
Midfielders: Granit Xhaka, Xherdan Shaqiri, Steven Zuber, Denis Zakaria, Remo Freuler, Edimilson Fernandes, Djibril Sow
Forwards: Haris Seferovic, Admir Mehmedi, Breel Embolo, Mario Gavranovic, Ruben Vargas, Christian Fassnacht

Hindi inaasahang gumawa ng maraming pagbabago si Petković sa kanyang starting XI.

Inaasahang magpatuloy si Zuber sa left wing at makikipagkumpitensya naman si Kevin Mbabu kay Silvan Widmer sa panimulang pwesto sa right wing back. 

France vs Switzerland Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng France vs Switzerland?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang France vs Switzerland.

US

Hatol

Mahirap talunin ang Switzerland dahil sa kanilang disiplinadong diskarte. Kaya maaaring mahirapan ang France at kailanganin nila ng extra time bago makuha ang panalo.

Best Bet: Draw Full Time Result @290.00 at BetMGM - 2 Units
Correct Score Tip: 1-1 Draw Correct Score @700.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit
Value Bet: France in Extra Time Method of Victory @800.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events