• Home
  • Football
  • German Bundesliga

Bayer Leverkusen vs Bayern Munich Tips - Parehong iiskor

  • Mga hula sa Bayer Leverkusen vs Bayern Munich para sa laban sa Bundesliga noong Linggo
  • Ang laro ay gaganapin sa BayArena (2.30pm BST)
  • Ang Bayern Munich ay nakakita ng higit sa 3.5 goals sa 8 sa kanilang huling 10 mga tugma
  • Preview, mga tip, istatistika at balita ng koponan
Bayern Munich Bayer Leverkusen
Nanalo ang Bayern Munich sa 8 sa kaniang huling 10 laban kontra sa Bayer Leverkusen (Getty)
Librengpusta Staff 17 Oct 2021
Share this article
success image

Ipagpapatuloy ng Bayern Munich at Bayer Leverkusen ang kanilang kampanya sa Bundesliga sa BayArena sa Linggo.

Ang dalawang koponan ay nasa tuktok ng Bundesliga table na parehong may 16 na puntos at lamang lang ang Bayern sa goal difference. 

Determinadong makabawi ang Bayern matapos matalo sa Eintracht Frankfurt 2-1 sa kanilang bahay bago ang international break.

Binigyan ni Leon Goretzka ang hosts ng kalamangan sa ika-29 minuto ngunit tinabla ni Martin Hinteregger ang laro pagkatapos ng tatlong minuto. Naka-goal naman si Filip Kostic pitong minuto bago matapos ang laban upang patahimikin ang mga nanonood sa Allianz Arena. Ang pagkatalo ay pumutol sa siyam na sunod na panalo ng Bavarian giants sa lahat ng mga kumpetisyon.

Suspendido pa rin si Benjamin Pavard habang hindi pa rin makakapaglaro si Kingsley Coman.

Nagtala naman ng 4-0 na panalo ang Leverkusen kontra sa Arminia Bielefeld sa kanilang huling laban. Dalawang beses naka-goal si Patrik Schick habang nagdagdag sina Moussa Diaby at Kerem Demirbay ng tag-iisang goal upang pangunahan ang koponan sa kanilang pang-limang sunod na panalo sa lahat ng mga kumpetisyon. 

Muling hindi makakapaglaro si Robert Andrich dahil sa suspensyon habang sina Timothy Fosu-Mensah at Julian Baumgartlinger ay wala. 

Nanalo ang Bayern sa kanilang huling apat na pagpupulong laban sa Leverkusen. Nagtala ang koponan ng isang 2-0 na panalo sa kanilang huling engkwentro noong Abril.

Bayer Leverkusen vs Bayern Munich Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live na stream ng Bayer Leverkusen vs Bayern Munich?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan manonood ang live na stream ng Bayer Leverkusen vs Bayern Munich.

US

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events