• Home
  • Football
  • German Bundesliga

Bochum vs Arminia Bielefeld Tips - Bochum inaasahang magwagi

03 May 2022
Librengpusta Staff 03 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Bochum vs Arminia Bielefeld sa German Bundesliga sa Biyernes (19:30 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Vonovia Ruhrstadion
  • Nanalo ang Bochum 4-3 sa Dortmund noong nakaraang round
  • Nag-draw ang Arminia Bielefeld sa kanilang huling laro
  • Bigong manalo ang Arminia Bielefeld sa kanilang huling 9 laro
  • Tinalo ng Arminia Bielefeld ang Bochum 2-0 noong Disyembre
Expired
Sebastian Polter
Sebastian Polter (Joosep Martinson/Getty Images)
Mag-uumplisa ang Round 33 ng German Bundesliga sa Vonovia Ruhrstadion sa Biyernes sa laro sa pagitan ng VfL Bochum at Arminia Bielefeld.

Nakakahinga na nang maluwag ang Bochum matapos nilang manalo sa Dortmund 4-3 noong nakaraang round para masigurado ang kanilang puwesto sa Bundesliga sa susunod na season. 

Nakakuha ng maagang 2-0 na kalamangan ang panig ni Thomas Reis matapos maka-goal nina Sebastian Polter at Gerrit Holtmann sa unang walong minuto ng laro. 

Ngunit gumanti ng tatlong goal si Erling Haaland para ibigay ang kalamangan para sa mga hosts. Muling tinabla ni Jurgen Locadia ang laro sa ika-81 minuto bago sinelyohan ni Milos Pantovic ang una nilang panalo sa Signal Iduna Park mula noong 1998. 

Kasalukuyang nasa ika-12 puwesto ang Bochum sa liga na may 39 puntos mula sa 32 laro. 

May siyam na goal si Sebastian Polter sa Bundesliga ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Bochum.
Masaya Okugawa
Masaya Okugawa (Martin Rose/Getty Images)

Suspendido naman si Konstantinos Stafylidis sa larong ito habang may hip injury si Danilo Soares.

Nananatili namang nasa relegation zone ang Arminia Bielefeld at kailangan nilang manalo sa kanilang huling dalawang laro para magkaroon pa sila ng tsansa sa play-off at hindi automatikong malalaglag sa 2.Bundesliga sa susunod na season. 

Kasalukuyang nasa ika-17 puwesto ang Die Arminen na may 27 puntos mula sa 32 laro. Nagtala sila ng 1-1 draw kontra Hertha Berlin sa kanilang nakaraang laro.

Umiskor si Joakim Nilsson sa injury time para magpwersa ng tabla na pumutol sa kanilang three-match losing streak. Ngunit bigong manalo ang panig ni Frank Kramer sa kanilang huling siyam na laro. 

Sina Masaya Okugawa at Patrick Wimmer at mangunguna sa Bielefeld.

Hindi naman magtatampok sina Fabian Klos at Cedric Brunner, na parehong may injury sa ulo.

Tinalo ng Arminia Bielefeld ang Bochum 2-0 sa SchücoArena noong Disyembre. Ang second-half goals nina Okugawa at Wimmer ang nagbigay ng ikalawang sunod na panalo ng Bielefeld sa serye.

Verdict

Tinalo ng Arminia Bielefeld ang Bochum noong Disyembre ngunit inaasahan namin na makabawi ang Bochum sa kanilang rematch.
Best Bet: Bochum To Win @7/6 at Hollywood bets - 1 Unit
Bochum
To Win
@7/6 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan