• Home
  • Football
  • German Bundesliga

Hoffenheim vs Koln Tips - Magpapatuloy ba sa paglipad ang Koln sa Bundesliga?

  • Mga hula at tip sa Hoffenheim vs Koln
  • Ang laban sa Bundesliga ay gaganapin sa PreZero Arena (19:30 BST)
  • Nagtala ang Koln ng BTTS sa kanilang huling 7 laban
  • Magpapatuloy ba ang pamamayagpag ng Billy Goats sa ilalim ni Steffen Baumgart?
  • Preview, istatistika at balita ng koponan
Koln hoffenheim Bundesliga
Magtutuos ang Hoffenheim at Koln sa Bundesliga sa Biyernes (Getty Images)
Librengpusta Staff 15 Oct 2021
Share this article
success image
Maghaharap ang Koln at Hoffenheim sa PreZero Arena sa Biyernes sa pambungad na laro sa Week 8 ng Bundesliga.

Naging maganda ang pagsisimula ng Koln ngayong season sa ilalim ng bagong manager na si Steffen Baumgart. Nakapagtala na sila ng tatlong panalo at tatlong draw at ang kaisa-isa nilang talo ay laban sa defending champions Bayern Munich

Nagrehistro ang panig ni Baumgart ng 1-1 draw sa tatlong sunod na laro bago nagtala ng 3-1 na panalo laban sa Greuther Furth sa kanilang nakaraang laban.

Nagsuko ng goal ang Billy Goats sa ika-7 minuto bago tinabla ni Sebastian Andersson ang laro habang nagtala naman ng brace si Ellyes Skhiri. Ang Koln ay kasalukuyang nasa ika-6 na pwesto na may 12 puntos.

Hindi makakapaglaro si Skhiri matapos itong magtamo ng injury habang naglalaro sa Tunisia sa FIFA World Cup qualifiers. Wala rin sina Tim Lemperle, Jannes Horn at Jonas Hector.

Dalawang panalo pa lamang ang nakuha ng Hoffenheim at kasalukuyan silang nasa ika-11 pwesto na may walong puntos.

Nakalasap ng 3-1 na pagkatalo ang koponan ni Sebastian Hoeness sa Stuttgart sa kanilang huling laban. Naka-goal si Jacob Bruun Larsen sa ika-84 minuto para iwasan ang shutout na pagkatalo. 

Hindi makakalaro sina defenders Ermin Bicakcic, Marco John at Benjamin Hübner pati na rin si Havard Nordtveit. 

Nanalo ang Hoffenheim sa kanilang huling anim na engkwentro laban sa Koln kabilang ang 3-0 na tagumpay sa kanilang bahay sa kanilang huling pagtatagpo. 

Hoffenheim vs Koln Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Hoffenheim vs Koln live stream?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang Hoffenheim vs Koln live stream.

US

Hatol

Maganda ang nilalaro ng Koln sa panahong ito, samantalang minamalas naman ang Hoffenheim. Inaasahan namin na kapwa maka-goal ang dalawang koponan sa larong ito.

Best Bet: Yes Both Teams to Score @-227.27 at BetMGM - 5 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

15 ต.ค. 2564

TSG Hoffenheim v Cologne