• Home
  • Football
  • German Bundesliga

Stuttgart vs Borussia Dortmund Tips - Draw inaasahan dito

07 Apr 2022
Librengpusta Staff 07 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Stuttgart vs Borussia Dortmund sa German Bundesliga sa Biyernes (19:30 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Mercedes-Benz Arena
  • Hindi natalo ang Stuttgart sa kanilang huling 4 laro
  • Nakalasap ng 4-1 na pagkatalo ang Dortmund kontra Leipzig noong nakaraang round
  • Tinalo ng Dortmund ang Stuttgart 2-1 noong Nobyembre
Expired
stuttgart dortmund
Muling maghaharap ang Stuttgart at Dortmund sa Biyernes. (Photo by Alex Grimm/Getty Images)
Maghaharap ang Stuttgart at Borussia Dortmund sa Round 29 ng German Bundesliga sa Biyernes.

Hindi natalo ang Stuttgart sa kanilang huling apat na laro sa Bundesliga ngunit nasa itaas lang sila ng relegation zone na may 27 puntos mula sa 28 laro.

Nagtala ang panig ni Pellegrino Matarazzo ng 1-1 draw sa Arminia Bielefeld sa kanilang huling laro. Binigyan ng kalamangan ni Sasa Kalajdzic ang Stuttgart sa ika-25 minuto matapos niyang magbuslo ng penalty. Ngunit nagsuko sila ng goal kay Florian Krüger sa ika-59 minuto. 

May apat na goal si Kalajdzic sa Bundesliga ngayong season at sila ni Konstantinos Mavropanos ang nangungunang scorer ng Stuttgart. 

Hindi naman magtatampok sina Lilian Egloff, Daniel Didavi, Nikolas Nartey, Naouirou Ahamada, Mohamed Sankoh at Silas Katompa Mvumpa dahil sa injury habang suspendido si Waldemar Anton.

Nakalasap ng 4-1 na pagkatalo ang Dortmund kontra Leipzig noong nakaraang round. Tanging si Donyell Malen ang naka-goal para sa Schwarzgelben, na nagsuko ng mga goal kina Konrad Laimer (2), Christopher Nkunku at Dani Olmo.

Naputol ang six-match unbeaten streak ng Dortmund at nananatili silang nasa ikalawang puwesto sa liga na may 57 puntos mula sa 28 laro. 

May 16 goal si Erling Haaland sa Bundesliga ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Dortmund. Inaasahan din na magparamdam sina Malen, Marco Reus at Julian Brandt.

Hindi naman magagamit ni Borussia Dortmund boss Marco Rose sina Felix Passlack, Nico Schulz, Thomas Meunier, Marcel Schmelzer, Steffen Tigges at Mateu Morey Bauza sa larong ito dahil sa injury. 

Tinalo ng Dortmund ang Stuttgart 2-1 sa Signal Iduna Park noong Nobyembre. Ang goal ni Reus sa ika-85 minuto ang nagbigay ng panalo sa Schwarzgelben. Bago nito ay nagpalitan ng mga goal sina Malen at Roberto Massimo. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Dortmund sa serye.

Verdict

Maganda ang nilalaro ng Stuttgart habang kagagaling ng Dortmund sa isang masaklap na pagkatalo. Inaasahan namin na mauwi ang larong ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @3/1 at Hollywood bets - 1 Unit
Draw
Result
@3/1 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan