• Home
  • Football

Italy vs England Prediksyon at Tip - Asahan ang Extra Time sa Final

  • Mga hula at tips sa Italy vs England sa Euro 2020 final sa Linggo
  • Ang laro ay gaganapin sa Wembley Stadium sa London (8pm BST)
  • Hindi natalo ang Italy sa kanilang huling 33 laro
  • Ang England ay hindi natalo sa kanilang huling 12 laro
  • Inaasahan namin na magresulta ang larong ito sa draw at extra time
Italy vs England Tips
Magtutuos ang Italy at England sa Euro 2020 final sa Wembley sa Linggo. (Getty Images)
Librengpusta Staff 09 Jul 2021
Share this article
success image

Italy vs England Prediksyon at Tips


Kapwa mahirap talunin ang Italy at England kaya malamang na maging dikit ang Euro 2020 final sa Wembley Stadium. Inaasahan namin ang extra time na may posibilidad ng isang penalty shootout.

  • Ang Italy ay hindi natalo sa kanilang huling 33 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Italy sa 12 sa kanilang huling 14 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Italy ng hindi nagsusuko ng goal sa 11 sa kanilang huling 14 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Italy ay nanalo ng 2+ goals sa 10 sa kanilang huling 14 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Italy ay hindi natalo sa 12 sa kanilang huling 14 na laro kontra England (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nakapagtala ang Italy ng 3 draw sa kanilang huling 5 laban kontra England (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang England ay hindi natalo sa kanilang huling 12 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nanalo ang England sa 10 sa kanilang huling 12 laban (lahat ng kumpetisyon).
  • Ang England ay nakapagtala ng 10 clean sheet sa kanilang huling 12 laban (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Italy ay mayroong 11-8 na kalamangan sa England na may 8 draw sa 27 laban.

Huling nagkita ang dalawang panig sa isang friendly noong 2018 na nagtapos sa 1-1 draw.

Tinalo ng Italy ang England 1-0 sa Euro 1980, 2-1 sa 1990 FIFA World Cup, sa mga penalty sa Euro 2012 at 2-1 sa 2014 World Cup.

Form ng Italy


Ang Italy ay hindi natalo sa kanilang huling 33 laban, kung saan nagwagi sila sa 12 sa kanilang huling 14 at nanalo ng hindi nagsusuko ng goal sa 11 sa kanilang huling 14 na laban. Mataas ang kanilang kumpiyansa patungo sa final.

Sinimulan ng Azzurri ang Euro 2020 sa isang 3-0 na panalo laban sa Turkey. Sunod nilang nilampaso ang Switzerland 3-0 bago tinalo ang Wales 1-0 sa kanilang huling laro sa grupo.

Tinalo ng panig ni Roberto Mancini ang Austria 2-1 sa extra time sa Round-of-16. Kapwa nagtala ng goals sina Federico Chiesa at Matteo Pessina sa extra time para pangunahan ang Italians.

Pinatalsik naman ng Italy ang Belgium 2-1 sa quarter-finals. Binigyan ni Nicolo Barella ng kalamangan ang Italians sa ika-31 minuto bago ginawang 2-0 ni Lorenzo Insigne ang iskor bago mag half-time.

Nauwi naman sa penalty shootout ang laban ng Italy at Spain sa semi-finals. Binigyan ni Chiesa ng kalamangan sa ika-60 minuto ngunit nagsuko sila ng goal 10 minuto bago matapos ang regulation time.

Naipasok nina Andrea Belotti, Leonardo Bonucci, Federico Bernardeschi at Jorginho ang kanilang spot kicks habang nagtala naman ng mahalagang save si Gianluigi Donnarumma.

Italy Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Gianluigi Donnarumma, Alex Meret, Salvatore Sirigu 
Defenders: Francesco Acerbi, Alessandro Bastoni, Leonardo Bonucci, Giorgio Chiellini, Giovanni Di Lorenzo, Emerson Palmieri, Alessandro Florenzi, Leonardo Spinazzola, Rafael Toloi
Midfielders: Nicolo Barella, Bryan Cristante, Jorginho, Manuel Locatelli, Lorenzo Pellegrini, Stefano Sensi, Marco Verratti
Attackers: Andrea Belotti, Domenico Berardi, Federico Bernardeschi, Federico Chiesa, Ciro Immobile, Lorenzo Insigne, Giacomo Raspadori

Ang midfielder na si Lorenzo Pellegrini ay nananatiling injured ngunit marami namang pagpipilian si Mancini sa pangunguna nina Barella, Jorginho at Marco Verratti.

Ang mga beteranong sina Giorgio Chiellini at Leonardo Bonucci ay magsasanib pwersa sa central defence.

Ang full back na si Alessandro Florenzi ay hindi sigurado at ang left back na si Leonardo Spinazzola ay may iniindang pa ring injury. Inaasahan naman na manatili si Emerson sa left back imbes na si Rafael Toloi.

Si Federico Chiesa ay inaasahan na panatilihin ang kanyang puwesto sa kabila ng iniindang injury. Sina Domenico Berardi, Andrea Belotti at Federico Bernardeschi ang iba pang mga pagpipilian sa pag-atake.

Form ng England


Ang England ay hindi natalo sa kanilang huling 12 laban. Nanalo sila sa 10 sa mga iyon at nakapagtala ng 10 clean sheets.

Sinimulan ng panig ni Gareth Southgate ang Euro 2020 sa isang 1-0 na panalo laban sa Croatia sa likod ng goal ni Raheem Sterling. Nagtabla sila sa Scotland 0-0 sa kanilang sumunod na laro bago muling naka-goal si Sterling sa kanilang 1-0 na tagumpay laban sa Czech Republic sa kanilang huling laro sa grupo. 

Tinalo naman ng Three Lions ang Germany 2-0 sa Round-of-16 sa likod ng goals nina Sterling at Harry Kane.

Sunod namang nilampaso ng England ang Ukraine 4-0 sa quarter-finals. Dalawang beses naka-goal si Kane habang nakabuslo rin sina Harry Maguire at Jordan Henderson.

Kinailangan naman ng extra time ng England para malampasan ang Denmark 2-1 sa semi-finals. Naitabla nila ang laban sa pamamagitan ng isang own goal bago sinelyohan ni Kane ang panalo sa ika-104 na minuto. 

England Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Aaron Ramsdale, Sam Johnstone, Jordan Pickford
Defenders: Ben Chilwell, Conor Coady, Reece James, Harry Maguire, Tyrone Mings, Luke Shaw, John Stones, Kieran Trippier, Kyle Walker, Ben White
Midfielders: Jude Bellingham, Jordan Henderson, Mason Mount, Kalvin Phillips, Declan Rice
Forwards: Dominic Calvert-Lewin, Phil Foden, Jack Grealish, Harry Kane, Marcus Rashford, Bukayo Saka, Jadon Sancho, Raheem Sterling

Inaasahang panatilihin ni Southgate ang kanyang back four na ginamit niya laban sa Ukraine at Denmark.

Sina Bukayo Saka, Jack Grealish at Jadon Sancho at Phil Foden ay nakikipagkumpitensya para sa isang puwesto sa wing.

Sina Sterling at  Kane ang mangunguna sa pag-atake ng England. 

Italy vs England Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Italy vs England?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Italy vs England.

US

Hatol

Parehong matinding pagsubok ang larong ito para sa Italy at England. Inaasahan namin na mauwi ang final ng Euro 2020 sa extra time.  

Inaasahan naman namin na magwagi ang Italy sa extra time o penalty shootout.

Best Bet: Italy Win Title Qualify @-117.65 at BetMGM - 1 Unit
Value Bet: Draw Full Time Result @210.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit
Correct Score Tip: 1-1 Draw Correct Score @600.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events