• Home
  • Football

Italy vs Spain Prediksyon at Tips - Asahan ang Draw sa Wembley

  • Mga tips sa Italy vs Spain para sa Euro 2020 semi-final sa Martes
  • Ang laban ay gaganapin 8pm BST sa Wembley Stadium sa London 
  • Hindi natalo ang Italy sa kanilang huling 32 laro
  • Nagtala ang Spain ng 8 draw sa kanilang huling 12 laro
  • Inaasahan namin na mauwi ang laro sa isang draw
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Italy vs Spain Tips
Nagtala ang Italy ng draw sa 7 sa kanilang huling 14 na laban kontra Spain (Getty Images)
Librengpusta Staff 05 Jul 2021
Share this article
success image

Italy vs Spain Prediksyon at Tips


Ang Italy at Spain ay parehong mahirap talunin kaya inaasahan namin ang dikit na laban sa Wembley Stadium. Malamang na mauwi ang semi-final na ito sa isang draw na may posibilidad ng penalty shootout.

  • Ang Italy ay hindi natalo sa kanilang huling 32 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Italy sa 25 sa kanilang huling 29 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagtala ang Italy ng 7 draw sa kanilang huling 14 na laban kontra Espanya (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Spain ay hindi natalo sa kanilang huling 12 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagtala ang Spain ng draw sa 8 sa kanilang huling 12 laro (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Spain ay mayroong 13-11 na kalamangan sa Italy na may 13 draw sa 37 mga laban.

Huli silang nagkita sa 2018 FIFA World Cup qualfiers. Ang unang laban sa Torino ay natapos sa isang 1-1 na draw bago nagwagi ang Spain 3-0 sa Madrid.

Form ng Italy


Nagwagi ang Italy sa 25 sa kanilang huling 29 na laban at nanalo sa 11 sa kanilang huling 13 laro kaya mataas ang kanilang kumpiyansa sa larong ito. 

Sinimulan ng Azzurri ang torneyo sa isang 3-0 na panalo laban sa Turkey. Nakuha nila ang kalamangan sa pamamagitan ng isang own goal bago kumonekta sina Ciro Immobile at Lorenzo Insigne para selyohan ang panalo.

Binokya naman ng panig ni Roberto Mancini ang Switzerland 3-0 sa kanilang ikalawang laro sa Group A. Nagtala ng brace si Manuel Locatelli at muling naka-goal si Immobile.

Tinapos ng Italians ang kanilang kampanya sa grupo sa isang 1-0 na panalo sa Wales. Ang goal ni Matteo Pessina ay sapat na para maipanalo ang laro kung saan nagtala sila ng 69% possession at 23-3 shots.

Nahirapan naman ang Italy laban sa Austria sa Round-of-16. Tabla ang laro 0-0 matapos ang 90 minuto bago naka-goal sina Federico Chiesa at Pessina sa extra time para pangunahan ang Italians sa 2-1 na panalo sa Wembley Stadium.

Tinalo ng Italy ang Belgium 2-1 sa quarter-finals. Binigyan ni Nicolo Barella ng kalamangan ang Italians sa ika-31 minuto bago ginawang 2-0 ni Lorenzo Insigne ang iskor bago mag half-time. Gumanti si Romelu Lukaku para sa Belgium pagkatapos umiskor ni Insigne ngunit wala nang naka-goal sa parehong panig sa second half. 

Italy Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Gianluigi Donnarumma, Alex Meret, Salvatore Sirigu
Defenders: Francesco Acerbi, Alessandro Bastoni, Leonardo Bonucci, Giorgio Chiellini, Giovanni Di Lorenzo, Emerson Palmieri, Alessandro Florenzi, Leonardo Spinazzola, Rafael Toloi
Midfielders: Nicolo Barella, Bryan Cristante, Jorginho, Manuel Locatelli, Lorenzo Pellegrini, Stefano Sensi, Marco Verratti
Attackers: Andrea Belotti, Domenico Berardi, Federico Bernardeschi, Federico Chiesa, Ciro Immobile, Lorenzo Insigne, Giacomo Raspadori

Ang midfielder na si Lorenzo Pellegrini ay nananatiling injured ngunit marami namang pagpipilian si Mancini at nakatadang magsanib pwersa sina Barella, Jorginho at Marco Verratti sa gitna.

Ang full back na si Alessandro Florenzi ay hindi sigurado at ang left back na si Leonardo Spinazzola ay may iniindang injury. Sina Emerson at Rafael Toloi ang ilan sa mga pagpipilian upang magsimula sa depensa. 

Form ng Spain


Ang Spain ay hindi natalo sa kanilang huling 12 laban. Nanalo sila ng apat at nagtala ng walong draw.

Nagtala ang panig ni Luis Enrique ng 0-0 na draw laban sa Sweden sa kanilang pambungad na laro sa Group E. Bigo silang maka-goal sa kabila ng pagkakaroon ng 85% possession at 17-4 shots on target. 

Muling nagtala ng draw ang La Roja sa kanilang pangalawang laro kontra Poland, na nagtapos sa 1-1. Tinulungan ni Gerard Moreno si Alvaro Morata para sa pambungad na goal sa ika-25 minuto bago tinabla ni Robert Lewandowski ang laro sa ika-54 na minuto. 

Nabigyan ng tsansa ang Spain na mabawi ang kalamangan tatlong minuto pagkatapos ng goal in Lewandowski matapos silang gawaran ng penalty. Ngunit tumama sa poste ang tira ni Moreno at hindi naibuslo ni Morata ang rebound.

Bumawi naman ang Spain sa kanilang huling laro ng lampasuhin nila ang Slovakia 5-0. Nanginabang ang Spaniards sa dalawang own goals habang kapwa nakapagtala ng goal sina Aymeric Laporte, Pablo Sarabia at Ferran Torres. Nakapagtala sila ng 66% possession at 9-0 shots on target sa naturang laro. 

Kinailangan rin ng Spaniards ng extra time para malampasan ang Croatia sa last 16. Isang own goal mula kay Pedri ang nagbigay sa Croatia ng maagang kalamangan ngunit tinabla ni Sarabia ang laro sa ika-38 minuto. 

Nakabuslo rin sina César Azpilicueta at Torres sa second half para bigyan ang La Roja ng 3-1 na kalamangan. Ngunit sumagot ang Croatia ng dalawang goals sa huling mga minuto ng laro para magpwersa ng extra time. 

Muling binigyan ng kalamagan ni Morata ang Spain sa ika-100 minuto bago nagdagdag si Mikel Oyarzabal ng isa pang goal para selyohan ang 5-3 na panalo ng kanyang koponan. 

Muling nasubukan ang tatag ng Spain sa quarter-finals ng talunin nila ang Switzerland sa isang penalty shootout. Nagsuko ang Swiss ng own goal sa ika-8 minuto bago tinabla ni Xherdan Shaqiri ang laro sa ika-68 minuto. 

Pinasok nina Dani Olmo, Moreno at Oyarzabal ang kanilang spot kicks habang nagmintis naman ng tatlo ang Swiss. 

Spain Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: David de Gea, Robert Sánchez, Unai Simón
Defenders: César Azpilicueta, Diego Llorente, Pau Torres, Eric García, José Gayà, Jordi Alba, Aymeric Laporte
Midfielders: Sergio Busquets (captain), Marcos Llorente, Koke (vice-captain), Thiago, Rodri, Fabián, Dani Olmo, Pedri
Forwards: Álvaro Morata, Gerard, Ferran Torres, Adama Traoré, Mikel Oyarzabal, Pablo Sarabia

Full strength ang Spain sa larong ito.

Asahan na ang Sergio Busquets ay magpapatuloy sa defensive midfield at César Azpilicueta na magpatuloy sa kanang likod.

Inaasahang panailihin ni Enrique sina Torres at Morata na pamunuan ang pag-atake. Si Sarabia ay maaaring palitan ni Olmo sa left wing.

Italy vs Spain Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Italy vs Spain?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Italy vs Spain.

US

Hatol

Haharapin ng Italy ang kanilang pinakamahirap na pagsubok sa Euro 2020 ngunit inaasahan namin na malampasan nila ito. Kaya naman pakipagsabayan ng Spain at inaasahan namin na mauwi ang kanilang semi-final sa Wembley sa isang draw at extra time. 

Best Bet: Italy Qualify To Qualify @-125.00 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: Draw Full Time Result @220.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units
Correct Score Tip: 1-1 Draw Correct Score @550.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events