• Home
  • Football

Italy vs Wales Prediksyon at Tips - Italians tatalunin ang Welsh

  • Mga tips sa Italy vs Wales sa European Championship 2020 sa Linggo
  • Ang Group A fixture ay lalaruin 5:00 pm BST sa Olympic Stadium sa Rome
  • Hindi pina-iskor ng Italians ang kanilang mga kalaban sa kanilang huling 10 laro.
  • Inaasahan ang clean sheet na panalo sa Italy
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Italy vs Wales Prediksyon at Tips
Inaasahang makakuha muli ng panalo ang Italy (Getty Images)
Librengpusta Staff 19 Jun 2021
Share this article
success image

Italy vs Wales Prediksyon at Tips


Naging impresibo ang Italy sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020. Kagagaling rin ng Wales sa isang panalo ngunit maaring mahirapan sila sa Azzurri sa kanilang huling asignatura sa Group A. 

Sinusuportahan namin na manalo ang Italy at hindi sila magsusuko ng goal. 

  • Nanalo ang Italy sa 23 sa kanilang huling 26 na laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Hindi nag-concede ng goal ang Italy sa kanilang huling 10 laban (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Hindi nagsuko ng goal ang Italy sa 4 sa kanilang huling 5 laban kontra sa Wales (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang Italy ay mayroong 7-2 na kalamangan sa Wales sa siyam na pagpupulong.

Nilampaso ng Azzurri ang Dragons 4-0 sa huling pagkikita ng dalawang panig noong Euro 2004 qualiiers.

Italy Form


Ang Italy ang unang koponan na umabante sa knockout stage ng torneyo matapos magtala ng 3-0 na mga panalo laban sa Turkey at Switzerland.

Dinomina ng Azzurri ang kanilang laban sa Swiss at maaga silang nakalikha ng pagkakataong maka-goal. Sumobra ang header ni Ciro Immobile habang binawi naman ang goal ni Giorgio Chiellini dahil sa handball. 

Pinagpatuloy ng panig ni Roberto Mancini ang kanilang atake at nagbunga ang kanilang pagsisikap pagkatapos basagin ni Manuel Locatelli ang deadlock sa ika-26 na minuto. Nagdagdag siya ng isa pang goal pagkatapos ng halftime bago sinelyohan ni Immobile ang panalo sa pagkonekta ng isang long-range shot sa huling bahagi ng laro.

Ito na ang ikasampung sunod na panalo ng Italy sa lahat ng kumpetisyon. Nagtala sila ng 31 goals at hindi nagsuko ng kahit isang goal sa panahong ito. 

Italy Squad at Team News


Goalkeepers: Gianluigi Donnarumma, Alex Meret, Salvatore Sirigu
Defenders: Francesco Acerbi, Alessandro Bastoni, Leonardo Bonucci, Giorgio Chiellini (captain), Giovanni Di Lorenzo, Emerson Palmieri, Alessandro Florenzi, Leonardo Spinazzola, Rafael Toloi
Midfielders: Nicolo Barella, Bryan Cristante, Jorginho, Manuel Locatelli, Lorenzo Pellegrini, Stefano Sensi, Marco Verratti
Forwards: Andrea Belotti, Domenico Berardi, Federico Bernardeschi, Federico Chiesa, Ciro Immobile, Lorenzo Insigne, Giacomo Raspadori

Pinalitan si Chiellini sa kanilang huling laro pagkatapos magtamo ng hamstring injury. Inaasahang palitan siya ni Francesco Acerbi sa starting XI. 

Maaaring ipahinga ni Mancini ang ilan sa kanyang mga star players sa larong ito matapos nilang makakuha ng pwesto sa last 16. Inaasahan naman na panatalihin niya ang kanilang 4-3-3 formation.

Ang midfielder na si Federico Chiesa ay maaaring ikonsidera bilang starter matapos ang kanyang kahanga-hangang laro laban sa Switzerland.

Wales Form


Pasok na rin ang Wales sa knockout stage pagkatapos ng kanilang 2-0 na panalo kontra Turkey. Ang Dragons ay kasalukuyang lamang ng tatlong puntos at may mas mataas na goal difference sa Switzerland sa grupo.
 
Ang panig ni Robert Page ay nag-set up ng counter attack laban sa Turkey at nagkaroon sila ng 36% possession. Marami rin silang nalikhang pagkakataon na nagresulta sa 3.82 expected goals.

Binuksan ni Aaron Ramsey ang pagmamarka sa ika-42 na minuto bago nagmintis si Gareth Bale ng isang penalty. Sinigurado naman ni Conor Roberts na makuha nila ang buong tatlong puntos matapos siyang maka-goal sa huling yugto ng laro. 

Ang tagumpay ng Wales laban sa Turkey ay nagpalawig sa kanilang unbeaten streak sa tatlong laban, kasunod ang draws kontra Albania (0-0) at Switzerland (1-1).

Ngunit hirap rin ang Wales laban sa mga nangungunang mga koponan sa Europa. Nakalasap sila ng 3-0 na pagkatalo sa England at France at 3-1 naman sa Belgium sa kanilang mga nakaraang laban.

Wales Squad at Team News


Goalkeepers: Wayne Hennessey, Danny Ward, Adam Davies
Defenders: Connor Roberts, Neco Williams, Chris Gunter, Joe Rodon, Ethan Ampadu, Chris Mepham, Ben Cabango, Ben Davies, Rhys Norrington-Davies, Tom Lockyer
Midfielders: Joe Allen, Joe Morrell, Matthew Smith, Jonny Williams, Aaron Ramsey, Dylan Levitt, Rubin Colwill, Harry Wilson
Forwards: Daniel James, David Brooks, Tyler Roberts, Gareth Bale (captain), Kieffer Moore

Maaaring ipahinga ni Page ang ilan sa kanyang mga star players sa larong ito. Malamang na mananatili siya sa 4-2-3-1 formation, kung saan si Kieffer Moore ang nag-iisang striker.

Ang mga defenders na sina Chris Mepham at Ben Davies ay parehong nai-book laban sa Turkey at nanganganib na masuspinde sa knockout stage. Si Ethan Ampadu at Neco Williams ay maaaring maisama sa back four.

Italy vs Wales Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Italy vs Wales?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Italy vs Wales.

US

Hatol

Inaasahang maipagpapatuloy ng Italy ang kanilang winning run na hindi nagsusuko ng goal.  

Best Bet: Italy Win Full Time Result @-200.00 at BetMGM - 4 Units
Value Bet: Italy Win to Nil Win to Nil @112.00 at Unibet - 3 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events