• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

AC Milan vs Fiorentina Tips - Rossoneri inaasahan muling magwagi

30 Apr 2022
Librengpusta Staff 30 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa AC Milan vs Fiorentina sa Italian Serie A sa Linggo (14:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa San Siro
  • Nanalo ang AC Milan sa kanilang huling 2 laro sa Serie A
  • Natalo ang Fiorentina sa kanilang huling 3 laban sa lahat ng mga kompetisyon
  • Tinalo ng Fiorentina ang AC Milan 4-3 noong Nobyembre
Expired
Olivier Giroud
Olivier Giroud (Marco Luzzani/Getty Images)
Patuloy na nangunguna ang AC Milan sa Italian Serie A at nais nilang manatiling nasa tuktok ng table pagkatapos ng laban nila kontra Fiorentina sa San Siro sa Linggo.

May 74 puntos ang Rossoneri mula sa 34 laro at dalawang puntos lang ang lamang nila sa Inter Milan apat na laro na lamang ang natitira sa kompetisyon. 

Hindi natalo ang AC Milan sa kanilang huling 12 laro sa Serie A. Tinalo nila ang Genoa (2-0) at Lazio (2-1) sa kanilang huling dalawang laro.

Sina Olivier Giroud at Sandro Tonali ang mga nagbida kontra Lazio. Kinansela ni Giroud ang maagang goal ni Ciro Immobile habang si Tonali ang nagbigay ng importanteng panalo para sa panig ni Stefano Pioli sa injury time.

Si Giroud ang nangungunang scorer ng koponan sa Serie A na may siyam na goal. Sila nina Rafael Leao at Zlatan Ibrahimovic ang mangunguna sa pag-atake ng Milan.

Hindi naman maglalaro sina Alessandro Florenzi at Simon Kjaer para sa AC Milan dahil sa injury.

Determinado namang makabawi ang Fiorentina matapos nilang matalo sa kanilang huling tatlong laro sa lahat ng mga kompetisyon. 

Nakalasap ang Viola ng 2-0 na pagkatalo sa Juventus sa pangalawang leg ng Coppa Italia semi-finals bago sila natalo kontra Salernitana (2-1) at Udinese (4-0) sa Serie A. 

Pangungunahan nina Nicolas Gonzalez, Lucas Torreira at Arthur Cabra ang panig ni Vincenzo Italiano sa larong ito.  

Huling nagharap ang AC Milan at Fiorentina noong Nobyembre kung saan nagtala ng 4-3 panalo ang Viola sa Artemio Franchi Stadium. 

Nakakuha ng 3-0 kalamngan ang mga host matapos ang 60 minuto matapos maka-goal nina Alfred Duncan, Riccardo Saponara at Dusan Vlahovic. Gumanti ng dalawang magkasunod na mga goal si Ibrahimovic pata matapyas ang lamang ng Fiorentina ngunit muling nagbuslo para sa Viola si Vlahovic. Muling umiskor ang Milan sa huling minuto sa pamamagitan ng own goal ni Lorenzo Venuti.

Verdict

Determinadong mapanatili ng AC Milan ang kanilang kapit sa tuktok ng Serie A kaya inaasahan namin na talunin nila ang Fiorentina sa labang ito.

Best Bet: AC Milan To Win @11/18 at Hollywood bets - 1 Unit
AC Milan
To Win
@11/18 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan