• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

Cagliari vs Bologna Tips - Asahan ang draw

10 Jan 2022
Librengpusta Staff 10 Jan 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Cagliari vs Bologna sa Italian Serie A sa Martes (19:45 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Sardegna Arena
  • Nanalo ang Cagliari at Bologna sa kanilang huling mga laro
  • Tinalo ng Bologna ang Cagliari sa kanilang unang pagkikita ngayong season
Expired
bologna cagliari
Muling maghaharap ang Caglari at Bolgona sa Serie A sa Martes. (Mario Carlini / Iguana Press/Getty Images)
Maghaharap ang Cagliari at Bologna sa Italian Serie A sa Martes.

Nagtala ng 2-1 na panalo ang Cagliari sa Sampdoria noong Huwebes. Nagbuslo sina Alessandro Deiola at Leonardo Pavoletti sa second half para pangunahan ang Gli Isolani, na pinutol din ang kanilang two-game skid.

Dahil dito ay umangat sa ika-18 pwesto ang Cagliari na may 13 puntos mula sa 20 laro.

May mga injury sina Marko Rog, Kevin Strootman at Damir Ceter at hindi sila magtatampok dito. Wala rin si Nahitan Nández dahil sa Covid-19 habang naglalaro si Keita Baldé sa Africa Cup of Nations.

Nakapagpahinga naman ng mas matagal ang Bologna matapos hindi matuloy ang kanilang laro kontra Inter Milan noong nakaraang round dahil sa Covid-19.

Huling naglaro ang Rossoblù noong Disyembre 22 kung saan nagtala sila ng 3-0 na tagumpay sa Sassuolo. Naka-goal sina Riccardo Orsolini, Aaron Hickey at Federico Santander para pangunahan ang Bologna, na kasalukuyang nasa ika-11 pwesto na may 27 puntos mula sa 19 na laro.

Madaming manlalaro ng Bolgona ang tinamaan ng Covid-19 at kabilang dito sina Hickey, Nicolás Domínguez, Emanuel Vignato, Gary Medel, Federico Santander, Nicolas Viola, Sydney van Hooijdonk at Marco Molla. Hindi rin magagamit ni Bologna boss Sinisa Mihajlovic sina Ibrahima Mbaye at Musa Barrow, na kapwa naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Tinalo ng Bologna ang Cagliari 2-0 sa kanilang huling pagkikita noong Nobyembre kung saan naka-goal sina Lorenzo De Silvestri at Marko Arnautovic.

Verdict

Patas ang dalawang koponan kaya hindi malayong mauwi ang larong ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @12/5 at Hollywood bets - 1 Unit
Draw
Result
@12/5 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan