• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

Fiorentina vs Udinese Tips - Panalo para sa Viola

25 Apr 2022
Librengpusta Staff 25 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Fiorentina vs Udinese sa Italian Serie A sa Miyerkules (17:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Stadio Artemio Franchi
  • Natalo ang Fiorentina sa kanilang huling 2 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Naglista ng 2-2 draw ang Udinese sa Bologna noong nakaraang round
  • Nagtala ng 1-0 na panalo ang Fiorentina sa Udinese noong Setyembre
Expired
Nicolas Gonzalez
Nicolas Gonzalez (Gabriele Maltinti/Getty Images)
Determinado ang Fiorentina na makabawi kontra Udinese sa kanilang laban sa Italian Serie A sa Miyerkules.

Nakalasap ang Viola ng 2-1 na pagkatalo sa Salernitana noong Linggo. Maagang nagsuko ng goal ang Fiorentina kay Milan Duric bago tinabla ni Riccardo Saponara ang laro sa ika-64 minuto. Ngunit muling nakabuslo ang Salernitana matapos ang 15 minuto sa pamamagitan ng goal ni  Federico Bonazzoli.

Nananatiling nasa ikapitong puwesto ang Fiorentina sa liga na may 56 puntos mula sa 33 laro. Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng panig ni Vincenzo Italiano sa lahat ng mga kompetisyon matapos nilang yumukod sa Juventus 2-0 sa pangalawang leg ng Coppa Italia semi-finals. 

Bago ang magkasunod na mga pagkatalong iyon ay nagtala ang Fiorentina ng six-match unbeaten streak. 

Sina Jonathan Ikone, Arthur Cabral at Nicolas Gonzalez ang mangunguna sa pag-atake ng Viola sa larong ito. 

May mga injury naman sina Lucas Torreira at Gaetano Castrovilli. Si Torreira ang nangungunang scorer ng Fiorentina na may limang goals ngayong season. 

Nagkasya naman ang Udinese sa isang 2-2 draw sa Bologna sa kanilang nakaraang laro. Maagang nagsuko ng goal ang Bianconeri kay Aaron Hickey bago gumanti sina Iyenoma Udogie at Isaac Success para bigyan ang kanilang koponan ng kalamangan. Tinabla naman ni Nicola Sansone ang laro sa ika-59 minuto. 

Dahil dito ay bigong makakuha ng panalo ang panig ni Gabriele Cioffi sa kanilang huling dalawang laro matapos manalo ng tatlong magkakasunod na laban. 

Kasalukuyang nasa ika-12 puwesto ang Udinese na may 40 puntos mula sa 33 laro.

Muling pangungunahan ni Success ang Udine club ang makakatulong niya si Gerard Deulofeu. 

Hindi naman maglalaro sina Antonio Santurro at Beto dahil sa injury. Sina Deulofeu at Beto ang mga nangungunang scorers ng koponan na kapwa may 11 goals ngayong season.  

Huling nagtagpo ng landas ang Fiorentina at Udinese noong Setyembre kung saan nagtala ng 1-0 na tagumpay ang Viola sa likod ng goal ni Dusan Vlahovic. 

Verdict

Bigo man manalo sa kanilang huling dalawang laro, inaasahan namin na makabawi ang Fiorentina kontra sa Udinese.

Best Bet: Fiorentina To Win @4/6 at Hollywood bets - 1 Unit
Fiorentina
To Win
@4/6 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan