• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

Lazio vs AC Milan Tips - Draw asahan na

23 Apr 2022
Librengpusta Staff 23 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Lazio vs AC Milan sa Italian Serie A sa Linggo (19:45 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa
  • Hindi natalo ang Lazio sa kanilang huling 3 laro
  • Tinalo ng AC Milan ang Genoa 2-0 noong nakaraang round
  • Dalawang beses ng tinalo ng AC Milan ang Lazio ngayong season
Expired
Ciro Immobile
Ciro Immobile (Paolo Bruno/Getty Images)
Asahan ang magandang laban sa pagitan ng Lazio at AC Milan sa Italian Serie A sa Linggo.

Ito ang ikatlong pagkikita ng dalawang panig ngayong season. Tinalo ng Milan ang Lazio 2-0 sa San Siro noong Setyembre sa kanilang unang paghaharap sa Serie A. Naka-goal sina Rafael Leao at Zlatan Ibrahimovic para pangunahan ang Rossoneri. 

Muling nagkita ang dalawang panig sa Coppa Italia quarter-final noong Pebrero at muling nagtagumpay ang Milan 4-0 sa San Siro. Muling umiskor si Leao habang nagtala ng dalawang goal si Olivier Giroud. Nakabuslo rin si Franck Kessie para sa panig ni Stefano Pioli.

Hindi natalo ang Lazio sa kanilang huling tatlong laro at nagtala sila ng 1-1 draw kontra Torino noong nakaraang round ng Serie A. Naka-goal si Ciro Immobile sa injury time para magpuwersa ng tabla. Ito ang ika-25 goal ni Immobile sa Serie A ngayong season at siya ang nangungunang scorer ng liga.

Bago ang resultang iyon ay tinalo ng Lazio ang Sassuolo (2-1) at Genoa (4-1). Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto ang panig ni Maurizio Sarri na may 56 puntos mula sa 33 laro. Hindi naman magagamit ni Sarri sina Pedro, Stefan Radu, Patric at Patryk Dziczek sa larong ito dahil sa injury o karamdaman.

Hindi naman natalo ang Milan sa kanilang huling 11 laro sa Serie A para manatiling nasa tuktok ng liga na may 71 puntos mula sa 33 laban. 

Tinalo ng Rossoneri ang Genoa 2-0 noong nakaraang round sa likod ng mga goal nina Leao at Junior Messias.

Kagagaling naman ng Milan sa isang 3-0 na pagkatalo kontra Inter Milan sa second leg ng Coppa Italia semi-final.

Muling pangungunahan ni Leao ang pag-atake ng Milan at makakatulong niya si Giroud.

Hindi naman maglalaro si Ibrahimovic dahil sa problema sa tuhod at makakasama niya sa sidelines sina Ante Rebic, Alessandro Florenzi at Simon Kjaer.

Verdict

Parehong maganda ang nilalaro ng Lazio at Milan kaya hindi malayong mauwi ang labang ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @12/5 at Hollywood bets - 1 Unit
Value Bet: Ciro Immobile Anytime Goalscorer @1/1 at bet365 - 1 Unit
Draw
Result
@12/5 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets
Ciro Immobile
Anytime Goalscorer
@1/1 - 1 Unit
Bet £10 Get £30
with bonus code NEWBONUS

Available to new customers only. Make a qualifying deposit of £5 or more and claim the offer within 30 days of registering your account to qualify for 300% of that amount in Bet Credits, up to a maximum of £30 in Bet Credits. Once released, your Bet Credits will be held in your account balance and are non-withdrawable. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of qualifying bets. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Registration required. Time limits and T&Cs apply.

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan