• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

Napoli vs Fiorentina Tips - Panalo para sa Napoli

07 Apr 2022
Librengpusta Staff 07 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Napoli vs Fiorentina sa Italian Serie A sa Linggo (14:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Stadio Diego Armando Maradona
  • Nanalo ang Napoli sa kanilang huling 3 laro
  • Tinalo ng Fiorentina ang Empoli 1-0 sa kanilang huling laban
  • Nagpalitan ng mga panalo ang Napoli at Fiorentina sa kanilang unang 2 pagkikita ngayong season.
Expired
Victor Osimhen
Victor Osimhen (Photo by Francesco Pecoraro/Getty Images)
Magtatapat ang Napoli at Fiorentina sa Italian Serie A sa Linggo.

Ito ang pangatlong paghaharap ng dalawang panig ngaoyong season. 

Nagtala ng 2-1 na panalo ang Napoli sa Fiorentina noong Oktubre sa kanilang unang pagkikita sa Serie A ngayong season. Unang nakabuslo si Lucas Martínez para sa Fiorentina sa ika-28 minuto bago tinabla ni Hirving Lozano ang laban pagkatapos ng 10 minuto. Ang header ni Amir Rrahmani sa ika-50 minuto ang nagbigay ng panalo sa Gli Azzurri sa Stadio Artemio Franchi.
Hirving Lozano
Hirving Lozano (Photo by Francesco Pecoraro/Getty Images)

Muling nagharap ang dalawang panig sa Round of 16 ng Coppa Italia noong Enero kung saan nagwagi ang Fiorentina 5-2 sa extra time. Natapos ang regulation sa 2-2 matapos magbuslo sina Dries Mertens at Andrea Petagna para sa Napoli at Dusan Vlahovic at Cristiano Biraghi para sa Fiorentina. Nag-init naman ang Viola sa extra time kung saan naka-goal sina Lorenzo Venuti, Krzysztof Piatek at Youssef Maleh para tulungan ang koponan na putulin ang kanilang three-match winning streak sa serye.

Unang nakakuha ng red card si Bartlomiej Dragowski para sa Fiorentina bago mag half-time ngunit nabawasan din sa 10 tao ang Napoli sa 84-minuto matapos makakuha ng red card si Lozano. 

Tinalo ng Napoli ang Verona (2-1), Udinese (2-1) at Atalanta (3-1) sa kanilang huling tatlong laro para manatiling nasa ikalawang puwesto sa liga na may 66 puntos mula sa 31 laro. Nanalo ang panig ni Luciano Spalletti sa apat sa kanilang huling limang laro. 

Muling inaasahan ni Spalletti sina Victor Osimhen, Dries Mertens at Lorenzo Insigne na pangunahan ang koponan sa labang ito. Hindi naman maglalaro sina Adam Ounas, Andrea Petagna at Giovanni Di Lorenzo dahil sa injury.

Kagagaling naman ng Fiorentina sa isang 1-0 na panalo kontra Empoli. Naging sapat na ang goal ni Nicolas Gonzalez para makuha ng Viola ang panalo.

Hindi natalo ang koponan ni Vincenzo Italiano sa kanilang huling apat na laro at kasalukuyan silang nasa ikawalong puwesto na may 50 puntos mula sa 30 laban. 

Tanging si Giacomo Bonaventura ang hindi magtatampok para sa Fiorentina sa larong ito dahil sa injury.

Verdict

Rumaratsada ang Napoli kaya inaasahan namin sila na magwagi sa labang ito.

Best Bet: Napoli To Win @8/11 at Hollywood bets - 1 Unit
Napoli
To Win
@8/11 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan