- Sunday 8
- Monday 9
- Tuesday 10
- Wednesday 11
- Thursday 12
- Friday 13
- Saturday 14
- Sunday 15
- Monday 16
- Tuesday 17
- Wednesday 18
Sassuolo vs AC Milan Tips - Rossoneri seselyohan ang kampeonato
- Mga tip sa Sassuolo vs AC Milan sa Italian Serie A sa Linggo (17:00 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa Mapei Stadium-Città del Tricolore
- Nangunguna ang AC Milan sa liga ngunit dalawang puntos lang ang lamang nila sa Inter Milan papasok sa huling round ng kompetisyon
- Nagwagi ang Sassuolo 3-1 sa Milan noong Nobyembre
Expired
Rafael Leao (Marco Luzzani/Getty Images)
Abot kamay na ng AC Milan ang kanilang unang titulo sa Serie A sa higit sa isang dekada ngunit kailangan muna nilang manalo sa Sassuolo sa Linggo sa kanilang huling laro ngayong season para maiwasan ang mga komplikayson.
Kasalukuyang nangunguna ang Rossoneri sa liga na may 83 puntos ngunit dalawang puntos lang ang kalamangan nila sa Inter Milan papasok sa huling round ng kompetisyon.
Lamang ang Inter sa goal difference kaya sila ang tatanghaling kampeon kung magtabla ang Milan rivals sa puntos.
Matatandaang tinalo ng Sassuolo ang Milan 3-1 sa San Siro noong Nobyembre kaya ayaw na ni Rossoneri boss Stefano Pioli na maulit ito sa importanteng larong ito. Binigyan ni Alessio Romagnoli ng kalamangan ang Milan bago gumanti si Gianluca Scamacca para itabla ang laro. Nakuha ng Sassuolo ang kalamangan matapos maka own goal si Simon Kjaer bago sinelyohan ni Domenico Berardi ang panalo ng Neroverdi sa second half. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Sassuolo kontra Milan.
Ang magandang balita para sa mga fans ng Milan ay nanalo ang kanilang koponan sa kanilang huling apat na laro. Tinalo nila ang Lazio (2-1), Fiorentina (1-0), Verona (3-1) at Atalanta (2-0).
Ang mga goal nina Rafael Leao at Theo Hernandez sa second half ang nagbigay ng panalo sa kanilang huling laro.
Si Leao ang nangungunang scorer ng Milan na may 10 goals ngayong season. Aasahan din ni Pioli sina Olivier Giroud at Zlatan Ibrahimovic sa labang ito.
Kasalukuyang nasa ika-11 puwesto ang Sassuolo na may 50 puntos. Hangad nilang tapusin ang kanilang kampanya sa isa na namang panalo matapos nilang magtala ng 3-1 tagumpay sa Bologna noong nakaraang round. Dalawang beses naka-goal si Scamacca habang nag-ambag ng isang goal si Berardi. Ang panalong ito ang pumutol sa kanilang four-match winless streak.
Muling pangungunahan ni Berardi ang Neroverdi kasama sina Scamacca at Giacomo Raspadori. Hindi naman magtatampok sina Pedro Obiang, Abdou Harroui, Filippo Romagna at Jeremy Toljan para sa panig ni Alessio Dionisi dahil sa injury.
Verdict
Kumpiyansa kami na makukuha ng AC Milan ang panalong ito para selyohan ang kampeonato sa Serie A ngayong season.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.