• Home
  • Football

Manchester City vs Burnley Tips - Llamado ang City

  • EPL Week 8 na laro ay magaganap sa Etihad Stadium sa Sabado (15:00 BST)
  • Ang Man City ay nasa ika-3 puwesto na may 14 na puntos
  • Ang Man City ay nagtala ng draw kontra sa Liverpool sa kanilang huling laban
  • Nag-post ang Burnley ng mga draw sa kanilang huling 2 laban
  • Nanalo ang Man City sa kanilang huling 8 laban kontra sa Burnley sa lahat ng mga kumpetisyon
Manchester City vs Burnley Tips
Ferran Torres (Richard Heathcote / Getty Images)
Librengpusta Staff 14 Oct 2021
Share this article
success image
Inaasahang magpasiklab muli ang Manchester City sa kanilang laban kontra Burnley sa Etihad Stadium sa Sabado.

Matapos mabigo sa Tottenham sa kanilang unang laro sa Premier League ngayong season, nagtala ang koponan ni Pep Guardiola ng anim na laro na walang talo, na kinabibilangan ng isang 1-0 na panalo sa Chelsea at isang 2-2 na draw sa Liverpool.

Kasalukuyang nasa ikatlong pwesto ang Man City na may 14 na puntos sa pitong laro. Malakas ang depensa ng Citizens, na nagsuko pa lamang ng tatlong goals ngayong season at may limang clean sheets.

Isang beses lang natalo ang Man City sa kanilang huling siyam na laro sa lahat ng kumpetitsyon at ito ay laban sa PSG sa Champions League. 

Sina Gabriel Jesus at Ferran Torres, na parehong may dalawang goals sa Premier League, ay ang mga mangunguna sa pag-atake ng Man City.

Ang Burnley ay naghahanap pa rin ng kanilang unang panalo ngayong season. Nakapagtala lamang ang koponan ni Sean Dyche ng tatlong draw at apat na talo sa kanilang unang pitong laro at kasalukuyang nasa ika-18 sa table na may tatlong puntos.

Ang konsolasyon sa Clarets ay nakakuha sila ng mga puntos sa kanilang huling dalawang laro laban sa Leicester (2-2) at Norwich City (0-0). Bago ang mga larong iyon ay dinurog nila ang Rochdale 4-1 sa League Cup (Carabao Cup) kung saan naibuslo ni Jay Rodriguez ang lahat ng goal ng koponan.

Nagwagi ang City sa kanilang huling laban kontra sa Burnley sa lahat ng mga kumptesiyon kung saan nagtala sila ng 29 goals at pitong clean sheets. Nanalo ang Citizens sa Burnley 2-0 noong Pebrero sa huling pulong sa pagitan ng dalawang panig.
US

Hatol

Nakikita namin ang isang komportableng panalo sa Man City at kaya nilang masakop ang spread sa larong ito.

Best Bet: Man City -2.50 Line @-113.64 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

16 ต.ค. 2564

Man City v Burnley