• Home
  • Football

North Macedonia vs Germany FIFA World Cup Qualifiers Tips - Die Mannschaft inaasahang makabawi

  • Matchday 8 Group J na laro ay gaganapin sa Toše Proeski Arena, Skopje, sa Lunes (19:45 BST)
  • Nangunguna ang Germany sa grupo na may 18 puntos mula sa 7 laro
  • North Macedonia ay nasa pangalawang puwesto na may 12 puntos
  • Sinorpresa ng North Macedonia ang Germany 2-1 sa kanilang huling pagtatagpo noong Marso
Thomas Muller
Thomas Müller (Alexander Hassenstein/Getty Images)
Share this article
success image
Tutungo ang Germany sa Skopje na may layuning hindi lamang mapalakas ang kanilang tsansa na makaabot sa FIFA World Cup sa susunod na taon ngunit upang mapaghiganti din ang sorpresa nilang pagkatalo sa North Macedonia noong Marso.

Umiskor si Napoli midfielder Eljif Elmas sa ika-85 minuto para pangunahan ang North Macedonians sa isang 2-1 na panalo sa Duisburg.

Nagpalit na ng manager ang Germany simula noon at si Hansi Flick na ang namamalahala sa koponan. Sa ilalim ng kanyang termino ay nakapagtala ang Germans ng mga panalo laban sa Liechtenstein (2-0), Armenia (6-0), Iceland (4-0) at Romania (2-1) upang patatagin ang kanilang paghawak sa nangungunang puwesto sa Group J na may 18 puntos mula sa pitong laban.

Nagbanta ang mga Romanian ng isa na namang upset noong Biyernes ng gabi sa Hamburg ng umiskor si Ianis Hagi sa ika-siyam na minuto. Kalaunan ay tinabla ni Serge Gnabry ang laro bago binasag ni Thomas Muller ang tabla para selyohan ang panalo para sa Germans.

Ang Germany ay may anim na puntos na kalamangan sa North Macedonia at Armenia sa kasalukuyan.

Ang nangungunang goalkeeper ng Germany na si Manuel Neuer ay hindi naglaro laban sa Romania dahil sa injury at mananatili siyang hindi sigurado sa larong ito.

Ang North Macedonians ay nagtala ng mga draw laban sa Armenia (0-0), Iceland (2-2) at Romania (0-0) kasunod ng kanilang panalo laban sa Germany bago naglista ng isang 4-0 na panalo sa Liechtenstein noong Biyernes. Kapwa naka-goal sina Darko Velkovski, Ezgjan Alioski, Boban Nikolov at Darko Churlinov para bigyan ang panig ni Blagoja Milevski ng malakas na tsansa na umabot sa play-offs.
US

Verdict

Wala pang talo si Hansi Flick simula nang maging manager ito ng Germany at inaasahan namin itong magpapatuloy sa Skopje.

Best Bet: Germany Winner @-500.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

11 ต.ค. 2564

North Macedonia v Germany