• Home
  • Football

Portugal vs France Prediksyon at Tips - Asahan ang Draw sa Budapest

  • Mga tips sa Portugal vs France sa Euro 2020 sa Miyerkules
  • Ang Group F fixture ay lalaruin 8pm BST sa Puskás Aréna, Budapest
  • Ang Portugal ay hindi natalo sa 15 sa kanilang huling 17 na laban
  • Inaasahan namin ang under 2.5 goals at isang draw sa Budapest
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Portugal vs France Prediksyon at Tips
Inaasahan ang isang draw sa pagitan ng Portugal at France (Getty)
Librengpusta Staff 23 Jun 2021
Share this article
success image

Portugal vs France Prediksyon at Tips


Masisiyahan ang Portugal na makakuha ng isang draw laban sa France sa kanilang huling laro sa Group F.

Ito lang ang kailangan ng defending champions para makakuha ng pwesto sa knockout stage. Pasok na ang France sa susunod na round at hangad lang nila na tapusin ang group stage sa positibong nota.

Inaasahan namin ang larong ito na magresulta sa under 2.5 goals. 

  • Ang Portugal ay hindi natalo sa 15 sa kanilang huling 17 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Portugal ay nagtala ng 3 clean sheets sa kanilang huling 4 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagtala ng draw ang Portugal sa 7 sa kanilang huling 10 laro (European Championship).
  • Nagtala ng draw ang Portugal sa 2 sa kanilang huling 3 laban kontra France (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Sakop ng Portugal ang under 1.5 goals sa kanilang huling 4 na laban kontra France (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang France ay hindi natalo sa kanilang huling 9 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang France ay nag-iingat ng 5 clean sheets sa kanilang huling 6 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagtala ang France ng draw sa 2 sa kanilang huling 3 laban (European Championship).

Head-to-Head


Ang France ay mayroong 17-5 na kalamangan laban sa Portugal na may 5 draw sa 27 na laban.

Portugal Form


Ang Portugal ay hindi natalo sa 15 sa kanilang huling 17 na laban.

Naglaro ang panig ni Fernando Santos ng dalawang friendlies bilang paghahanda sa Euro 2020. Naglista sila ng 0-0 draw laban sa Spain bago nagtala ng 4-0 na panalo laban sa Israel.

Sinimulan ng Seleção ang kanilang kampanya sa Euro 2020 sa isang 3-0 na panalo laban sa Hungary. Binasag ni Raphael Guerreiro ang tabla sa ika-84 na minuto bago nagdagdag si Ronaldo ng dalawa pang goals para selyohan ang panalo.

Bumagsak naman ang Portugal sa isang 4-2 na pagkatalo sa Germany sa kanilang pangalawang laro. Binigyan ni Ronaldo ng maagang kalamangan ang mga Portuguese ngunit nakuha ng Germans ang kalamagan bago mag halftime pagkatapos maka own goal sina Rúben Dias at Guerreiro.

Hindi na nakabawi ang Portugal at nag-concede sila ng dalawa pang goals sa second half. Nagdagdag si Diogo Jota ng isa pang goal para sa Portuguese sa ika-67 na minuto habang tumama naman sa poste ang tira ni Renato Sanches.

Si Ronaldo ay nakapagtala ng apat na goals sa kanyang huling tatlong internationals.

Portugal Squad at Team News


Goalkeepers: Rui Patrício, Anthony Lopes, Rui Silva
Defenders: Nélson Semedo, Pepe, Rúben Dias, Raphaël Guerreiro, José Fonte, Diogo Dalot, Nuno Mendes
Midfielders: João Moutinho, Bernardo Silva, Bruno Fernandes, Danilo Pereira, William Carvalho, Rafa Silva, Renato Sanches, Rúben Neves, Pedro Gonçalves, Sérgio Oliveira, João Palhinha
Forwards: Cristiano Ronaldo (captain), André Silva, Gonçalo Guedes, Diogo Jota, João Félix

Malamang na gumawa si Santos ng ilang pagbabago sa kanyang starting XI at inaasahang palitan ni Renato Sanches si William Carvalho sa midfield. 

Si Ronaldo ay may 107 goals sa 177 caps. Nalalapit siya sa pagiging all-time na nangungunang goal scorer sa internasyonal na mga kumpetisyon. 

France Form


Ang France ay walang talo sa kanilang huling siyam na laban.

Ang panig ni Didier Deschamps ay nanalo ng apat na sunod na laro bago ang European Championship. Kasama doon ang 3-0 na mga panalo laban sa Wales at Bulgaria sa international friendlies.

Binuksan ng Bleus ang kanilang kampanya sa Euro 2020 sa isang 1-0 na panalo laban sa Germany. Nakinabang sila sa own goal ni Mats Hummels ngunit dinomina naman nila ang laro at maaaring nanalo pa ng mas malaking score line.

Sinundan naman nila ito ng isang 1-1 draw laban sa Hungary sa Budapest. Naitabla ni Antoine Griezmann ang laro sa ika-66 na minuto ngunit hindi na sila muling naka-goal para magkasya na lang sa isang draw.

France Squad at Team News


Goalkeepers: Hugo Lloris (captain), Steve Mandanda, Mike Maignan
Defenders: Benjamin Pavard, Presnel Kimpembe, Raphaël Varane, Clément Lenglet, Kurt Zouma, Lucas Digne, Lucas Hernandez, Léo Dubois, Jules Koundé
Midfielders: Paul Pogba, Thomas Lemar, Corentin Tolisso, N'Golo Kanté, Adrien Rabiot, Moussa Sissoko
Forwards: Antoine Griezmann, Olivier Giroud, Kylian Mbappé, Ousmane Dembélé, Karim Benzema, Kingsley Coman, Wissam Ben Yedder, Marcus Thuram

Hindi inaasahan si Deschamp na gumawa ng maraming pagbabago sa kanyang starting XI. Maaaring mabigyan ng pagkakataon si Corentin Tolisso na palitan si Adrien Rabiot sa midfield.

Nagtamo si Ousmane Dembele ng injury sa tuhod laban sa Hungary at hindi siya maglalaro dito.

Portugal vs France Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Portugal vs France?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Portugal vs France.

US

Hatol

Determinado ang Portugal na magpwersa ng isang draw laban sa France at iyon ang inaasahan naming maging resulta ng larong ito.

Best Bet: Under 2.5 Goals Total Goals @-149.25 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: Draw Full Time Result @200.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events