• Home
  • Football

Portugal vs Germany Prediksyon at Tips - Ronaldo Inaasahang Maka-goal ulit

  • Mga tips sa Portugal vs Germany sa Euro 2020 sa Sabado
  • Ang Group F fixture ay gaganapin 5PM BST sa Allianz Arena, Munich
  • Nakapagtala si Ronaldo ng 3 goals sa kanyang huling 2 internationals
  • Sinusuportahan namin na manalo ang Portugal at makaka-goal si Ronaldo  
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Portugal vs Germany Prediksyon at Tips
Inaasahang maka-goal muli si Cristiano Ronaldo (Getty Images)
Librengpusta Staff 18 Jun 2021
Share this article
success image
 

Portugal vs Germany Prediksyon at Tips


Ang Portugal ay may mahusay na koponan at sa pangunguna ni Cristiano Ronaldo, ay maaari nilang talunin ang Germany sa Euro 2020.

  • Ang Portugal ay hindi pa natatalo sa 15 sa kanilang huling 16 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Portugal sa 16 sa kanilang huling 22 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Portugal ay nakapagtala ng clean sheet sa kanilang huling 3 mga laro (friendlies).
  • Si Ronaldo ay may 3 goals sa kanyang huling 2 international matches (friendlies).
  • Natalo ang Germany sa 2 sa kanilang huling 4 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Germany ay mayroong 10-3 na kalamangan sa Portugal na may 5 draw sa 18 na laban.

Portugal Form


Nagwagi ang Portugal sa lima sa kanilang huling anim na laban. Sinimulan ng panig ni Fernando Santos ang World Cup qualifiers sa isang 1-0 na panalo laban sa Azerbaijan. Nasundan naman ito ng 2-2 draw sa Serbia at 3-1 na panalo kontra Luxembourg.

Naglaro ang Seleção ng dalawang friendlies bilang paghahanda sa Euro 2020. Nagtabla sila sa Spain 0-0 bago nila tinambakan ang Israel 4-0 sa likod ng goals nina Bruno Fernandes (2), Ronaldo at João Cancelo.

Sinimulan ng Portugal ang Euro 2020 sa isang 3-0 na panalo laban sa Hungary. Binasag ni Raphael Guerreiro ang tabla sa ika-84 na minuto bago nagdagdag si Ronaldo ng dalawa pang goals para selyohan ang panalo.

Portugal Squad at Team News


Goalkeepers: Rui Patrício, Anthony Lope, Rui Silva
Defenders: Nélson Semedo, Pepe, Rúben Dias, Raphaël Guerreiro, José Fonte, Diogo Dalot, Nuno Mendes
Midfielders: João Moutinho, Bernardo Silva, Bruno Fernandes, Danilo Pereira, William Carvalho, Rafa Silva, Renato S branch, Rúben Neves, Pedro Gonçalves, Sérgio Oliveira, João Palhinha
Forwards: Cristiano Ronaldo (captain), André Silva, Gonçalo Guedes, Diogo Jota, João Félix

Nagpositibo si Cancelo sa COVID-19 kaya pinalitan muna siya ni Diogo Dalot. Asahan naman na magpatuloy si Nelson Semedo sa right back.

Ang goalkeeper ng Portugal na si Rui Patrício nalalapit na sa kanyang ika-100 na cap. May 116 caps naman si Pepe habang may 132 si João Moutinho.

Si Ronaldo ay mayroong 176 goals at 106 caps. Nalalapit siya sa pagiging nangungunang goal scorer sa internasyonal na mga kumpetisyon. 

Germany Form


Magkahalong resulta ang naiposte ng Germany sa kanilang huling pitong laban sa lahat ng mga kumpetisyon. Natalo sila sa tatlo sa kanilang huling pitong laro kabilang ang isang 6-0 na pagkabigo laban sa Spain sa UEFA Nations League.

Sinimulan ng panig ni Joachim Löw ang kanilang kampanya sa World Cup qualifiers sa isang 3-0 na tagumpay laban sa Iceland bago sila nagtala ng 1-0 na panalo kontra Romania. Bumalik sila sa Germany kung saan sila nakalasap ng 2-1 na pagkatalo sa North Macedonia.

Naglaro ng dalawang friendlies ang Die Mannschaft bago ang Euro 2020. Nauwi sa 1-1 draw ang kanilang laban sa Denmark at nilampaso naman nila ang Latvia 7-1.

Sinimulan ng Germany ang Euro 2020 sa isang 1-0 na pagkatalo sa France. Ang own goal ni Mats Hummels sa ika-20 na minuto ang nagpapanalo sa Les Bleus. Nagawang makipagsabayan ng Germans sa kanilang kalaban sa buong laro ngunit bigo silang maka-goal. 

Germany Squad at Team News


Goalkeepers: Manuel Neuer (captain), Bernd Leno, Kevin Trapp
Defenders: Antonio Rüdiger, Marcel Halstenberg, Matthias Ginter, Mats Hummels, Niklas Süle, Lukas Klostermann, Robin Gosens, Emre Can, Robin Koch, Christian Günter
Midfielders: Joshua Kimmich, Toni Kroos, Jonas Hofmann, Jamal Musiala, Florian Neuhaus, Leon Goretzka, İlkay Gündoğan
Forwards: Kai Havertz, Leroy Sané, Kevin Volland, Serge Gnabry, Thomas Müller, Timo Werner

Ang mga midfielders na sina Jonas Hofmann at Leon Goretzka ay nakabalik na sa full fitness at maaaring maglaro mula sa bench.

Si Matthias Ginter ay nakalista bilang doubtful at maaaring makita si Emre Can sa central defence. Hindi naman inaasahang makalaro si Lukas Klostermann sa susunod na dalawang linggo.

Maaaring gumawa ng pagbabago si Löw sa kanyang starting XI at kasama sina Leroy Sané at Timo Werner sa mga pagpipilian na magsimula sa larong ito.

Portugal vs Alemanya Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Portugal vs Germany?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan manonood ang live stream ng Portugal vs Germany.

US

Hatol

May problema ang depensa ng Germany at maaring samantalahin ito ng Portugal kaya inaasahan namin na magwagi sila sa labang ito at maka-abante sa knockout stage.

Maaaring maipagpatuloy rin ni Cristiano Ronaldo ang kanyang magandang ipinapakita at hindi kami magtataka kung muli siyang maka-goal sa larong ito.

Best Bets: Portugal Win Full Time Result @240.00 at BetMGM - 2 Units
Best Bets: Ronaldo Anytime Goalscorer @175.00 at Unibet - 2 Units
Value Bet: Ronaldo First Goalscorer @480.00 at Unibet - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events