• Home
  • Football

Russia vs Denmark Prediksyon at Tips - Unang panalo inaasahan sa Denmark

  • Mga tips sa Russia vs Denmark sa Euro 2020 sa Lunes
  • Ang Group B fixture ay gaganapin 8pm BST sa Lunes
  • Nanalo ang Denmark sa 9 sa kanilang huling 13 na laro
  • Sinusuportahan namin ang Danes na manalo sa Copenhagen
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Russia vs Denmark Prediksyon at Tips
Inaasahang makakakuha ng panalo ang Denmark laban sa Russia sa Copenhagen (Getty Images)
Librengpusta Staff 21 Jun 2021
Share this article
success image

Russia vs Denmark Prediksyon at Tips


Maganda ang ipinakita ng Denmark sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020 bagama't nakalasap sila ng pagkatalo sa Copenhagen. Ngunit inaasahan namin na magwawagi sila laban sa Russia sa kanilang huling laro sa Group B at mabigyan ng pagkakataon na umusad sa knockout round.

  • Natalo ang Russia sa 3 sa kanilang huling 4 na laro (European Championship).
  • Ang Russia ay sakop ang under 2.5 goals sa 3 sa kanilang huling 4 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Denmark sa 9 sa kanilang huling 13 na laban (lahat ng kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay nanalo ng 2+ goals sa 4 sa kanilang huling 7 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay nakapagtala ng 9 clean sheets sa kanilang huling 14 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Russia ay may 1-0 na kalamangan sa Denmark.

Huling nagkita ang dalawang paning sa isang friendly noong 2012, kung saan nagwagi ang Russia 2-0 sa likod ng goals nina Roman Shirokov at Andrey Arshavin.

Russia Form


Nagtamo ang Russia ng 3-0 na pagkatalo sa Belgium sa kanilang pambungad na laban sa Euro 2020. Dinominan sila ng Belgians sa buong laro at nakagawa lamang ng isang shot on target.

Bumawi naman ang panig ni Stanislav Cherchesov sa isang 1-0 na panalo kontra Finland sa kanilang sumunod na laro. Ang goal ni Aleksey Miranchuk bago mag-halftime ay sapat na para selyohan ng Russians ang buong tatlong puntos. 

Hindi tulad sa kanilang unang dalawang laro na kapwa ginawa sa Saint-Petersburg, walang home advantage ang Russia sa larong ito.

Russia Squad at Team News


Goalkeepers: Anton Shunin, Yury Dyupin, Matvei Safonov
Defenders: Mário Fernandes, Igor Diveyev, Vyacheslav Karavayev, Andrei Semyonov, Fyodor Kudryashov, Georgi Dzhikiya, Yuri Zhirkov
Midfielders: Denis Cheryshev, Magomed Ozdoyev, Dmitri Barinov, Roman Zobnin, Aleksei Miranchuk, Aleksandr Golovin, Rifat Zhemaletdinov, Aleksei Ionov, Daniil Fomin, Daler Kuzyayev, Denis Makarov, Maksim Mukhin
Forwards: Aleksandr Sobolev, Anton Zabolotny, Artem Dzyuba (captain)

Si Mario Fernandes ay nagkaroon ng injury laban sa Finland at inaasahang palitan siya ni Vyacheslav Karavaev sa right back.

Nagtamo naman ang defender na si Yuri Zhirkov ng injury laban sa Belgium at hindi inaasahang maglaro dito.

Ang attacking midfielder na si Miranchuk ay nagsimula laban sa Finland at inaasahang magsimula muli sa larong ito matapos maka-goal laban sa Finns.

Muling pangungunahan ni Artem Dzyuba ang atake ng Russia. Ang Zenit Saint Petersburg striker ay may 29 goals sa 54 internationals.

Denmark Form


Ang Denmark ay dumating sa Euro 2020 na nanalo ng siyam sa kanilang nakaraang 11 na laban.

Nakalasap ng 1-0 na pagkatalo ang panig ni Kasper Hjulmand laban sa Finland sa kanilang unang laro kung saan nagkaroon si Christian Eriksen ng cardiac arrest sa pitch. Natalo ang Danes kahit na nagkaroon sila ng 70% possession at 22-1 shots. Bigo rin si Pierre-Emile Højbjerg na maibuslo ang isang penalty. 

Kinapos rin ang Denmark laban sa Belgium 2-1. Binigyan ni Yussuf Poulsen ng maagang kalamangan ang Danes ng maka-goal ito dalawang minuto pa lang ang nakakalipas sa laro. Ngunit nag-concede sila ng dalawang goals sa second half. 

Denmark Squad at Team News


Goalkeepers: Kasper Schmeichel, Jonas Lössl, Frederik Rønnow
Defenders: Joachim Andersen, Jannik Vestergaard, Simon Kjær (captain), Joakim Mæhle, Andreas Christensen, Mathias Jørgensen, Jens Stryger Larsen, Nicolai Boilesen
Midfielders: Robert Skov, Thomas Delaney, Christian Eriksen, Christian Nørgaard, Daniel Wass, Pierre-Emile Højbjerg, Mathias Jensen, Anders Christiansen
Forwards: Martin Braithwaite, Andreas Skov Olsen, Kasper Dolberg, Mikkel Damsgaard, Jonas Wind, Yussuf Poulsen, Andreas Cornelius

Maayos na ang kundisyon ni Eriksen ngunit maaaring hindi na siya muling makakapaglaro ng football.

Maraming mapagpipilian si Hjulmand sa kanyang atake at maaaring magsimula si Andreas Skov Olsen laban sa Russia.

Russia vs Denmark Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Russia vs Denmark?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang live na stream ng Russia vs Denmark.

US

Hatol

Minalas ang Denmark sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020 at hindi sila karapat-dapat na natalo. 

Bagama't nasa ilalim sila ng Group B sa kasalukuyan, inaasahan namin na tatalunin ng Danes ang Russia sa Copenhagen.

Best Bet: Denmark Win Full Time Result @-131.58 at BetMGM - 5 Units
Value Bet: Denmark Win To Nil @180.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit
Correct Score Tip: Denmark Win 2-0 Correct Score @750.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events