• Home
  • Football
  • Spanish La Liga

Celta Vigo vs Real Madrid Tips - Los Blancos muling magwawagi

30 Mar 2022
Librengpusta Staff 30 Mar 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Celta Vigo vs Real Madrid sa La Liga sa Sabado (17:30 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Estadio Abanca-Balaídos
  • Nag-draw ang Celta Vigo kontra Real Betis noong nakaraang round
  • Natalo ang Real Madrid 4-0 kontra Barcelona sa kanilang huling laro
  • Tinambakan ng Real Madrid ang Celta Vigo 5-2 noong Setyembre
Expired
Vinicius Junior
Vinicius Junior (JAIME REINA/AFP via Getty Images)
Matinding pagsubok ang haharapin ng Celta Vigo sa La Liga sa Sabado sa pagbisita ng Real Madrid.

Kagagaling ng Celestes sa isang 0-0 draw kontra Real Betis para manatiling nasa ika-11 pwesto sa liga na may 36 puntos mula sa 29 laro.

Pangungunahan nina Iago Aspas at Santi Mina ang panig ni Eduardo Coudet sa labang ito. 

Nakalasap naman ang Real Madrid ng 4-0 na pagkatalo kontra Barcelona sa Estadio Santiago Bernabéu noong nakaraang round. Naputol ang five-match winning streak ng Los Blancos sa lahat ng mga kompetisyon ngunit patuloy pa rin silang nangunguna sa liga na may 66 puntos mula sa 29 laro. 

Si Karim Benzema ang nangungunang scorer ng La Liga na may 22 goal ngayong season ngunit mayroon siyang iniindang calf injury. 

Dahil dito ay inaasahan ni Real Madrid boss Carlo Ancelotti sina Vinicius Junior at Marco Asensio na pangunahan ang koponan sa labang ito. Wala rin sina Ferland Mendy at Eden Hazard dahil sa injury. 

Tinambakan ng Real Madrid ang Celta Vigo 5-2 noong Setyembre sa unang pagkikita ng dalawang koponan ngayong season. Nagtala ng hat-trick si Benzema para pangunahan ang Los Blancos sa kanilang ikatlong sunod na panalo kontra Celta Vigo. Naka-goal din sina Vinicius Junior at Eduardo Camavinga para sa Real Madrid. Sina Mina at Franco Cervi ang nagbuslo para sa Celta Vigo. 

Hindi natalo ang Real Madrid sa kanilang huling 11 laro kontra Celta Vigo sa lahat ng mga kompetisyon. Huling nagwagi ang Galician club sa serye noon pang 2017 Copa del Rey.

Verdict

Inaasahan namin na mapapalawig ng Real Madrid ang kanilang winning streak kontra Celta Vigo.

Best Bet: Real Madrid To Win @9/10 at Hollywood bets - 1 Unit
Real Madrid
To Win
@9/10 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan