• Home
  • Football

Switzerland vs Spain Prediksyon at Tips - Nakatakdang manalo ang Spain

  • Mga tips sa Switzerland vs Spain para sa Euro 2020 sa Biyernes
  • Ang quarter-final fixture ay gaganapin 5pm BST sa Krestovsky Stadium, Saint Petersburg
  • Si Alvaro Morata ay may 2 goals sa kanyang huling 3 mga laro
  • Sinusuportahan namin ang Spain na manalo at makaka-goal si Morata 
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Switzerland vs Spain Tips
Si Alvaro Morata ay may 2 goals sa kanyang huling 3 laban (Getty Images)
Librengpusta Staff 02 Jul 2021
Share this article
success image

Switzerland vs Spain Prediksyon at Tips


Nagsisimula nang gumana ang atake ng Spain sa Euro 2020 at mayroon silang sapat na sandata mula sa bench. Maaaring mahirapan ang Switzerland na maulit ang kanilang tagumpay laban sa France sa Round-of-16.

Sinusuportahan namin ang Spain upang manalo at makaka-goal si Alvaro Morata.

  • Nanalo ang Switzerland sa 1 sa kanilang huling 4 na laban (Euro 2020).
  • Nanalo ang Spain sa 10 sa kanilang huling 14 na laban kontra Switzerland (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Spain ay hindi natalo sa kanilang huling 11 na laban (lahat ng kumpetisyon).
  • Si Morata ay nakapagtala ng 2 goals sa kanyang huling 3 laban (Euro 2020).

Head-to-Head


Ang Spain ay mayroong 16-1 na kalamangan sa Switzerland na may 5 draw sa 22 laban.

Form ng Switzerland


Ang Switzerland ay hindi natalo sa 10 sa kanilang huling 11 laban at nagwagi sa pito sa kanilang huling 10 laro.

Ang panig ni Vladimir Petković ay nagtala ng 1-1 draw sa Wales sa kanilang pambungad na laban sa Group A. Dinomina nila ang laro kung saan nagkaroon sila ng 64% possession at 18-9 shots.

Nakalasap naman ang Swiss ng isang 3-0 na pagkatalo sa Italy sa kanilang pangalawang laro. Nagkaroon si Steven Zuber ng pagkakataon para umiskor sa Switzerland ngunit nabigo siya sa isang one-on-one play.

Tinalo ng Swiss ang Turkey 3-1 sa kanilang huling laro sa grupo. Binigyan ni Haris Seferovic ng kalamangan ang kanyang koponan anim na minuto pa lang ang nakalipas sa laro bago nagdagdag si Xherdan Shaqiri ng dalawa pang goals. Nag-asiste naman si Zuber sa lahat ng tatlong goal. 

Nakabalik naman ang Switzerland sa 3-1 deficit sa huling sampung minuto ng laban nila sa France sa Round-of-16 at nanalo sa penalty shootout. Binigyan ng maagang kalamangan ni Seferovic ang Swiss bago gumanti ang France ng tatlong goals sa second half. Bumawi si Seferovic ng isang header sa ika-81 minuto bago tinabla ni Mario Gavranovic ang laro sa huling minuto. 

Bigong maka-goal ang parehong panig sa extra time at nauwi ang laro sa penalty shootout. Naibuslo ng lahat ng Swiss players ang kanilang mga tira habang na-save naman ni Yann Sommer ang penalty ni Kylian Mbappe para selyohan ang panalo. 

Switzerland Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Yann Sommer, Jonas Omlin, Yvon Mvogo
Defenders: Fabian Schar, Ricardo Rodriguez, Manuel Akanji, Nico Elvedi, Jordan Lotomba, Becir Omeragic, Silvan Widmer, Loris Benito, Kevin Mbabu, Eray Comert
Midfielders: Granit Xhaka, Xherdan Shaqiri, Steven Zuber, Denis Zakaria, Remo Freuler, Edimilson Fernandes, Djibril Sow
Forwards: Haris Seferovic, Admir Mehmedi, Breel Embolo, Mario Gavranovic, Ruben Vargas, Christian Fassnacht

Hindi inaasahang gumawa ng mga pagbabago si Petković sa kanyang starting XI para sa larong ito. 

Ang midfielder na si Granit Xhaka ay suspendido matapos makakuha ng kanyang pangalawang yellow card at inaasahang palitan siya ni Denis Zakaria. 

Form ng Spain


Ang Spain ay hindi natalo sa kanilang huling 11 laban. Nanalo sila ng apat na beses at nakapagtala ng pitong draw.

Nagtala ang panig ni Luis Enrique ng 0-0 na draw laban sa Sweden sa kanilang pambungad na laro sa Group E. Bigo silang maka-goal sa kabila ng pagkakaroon ng 85% possession at 17-4 shots on target. 

Muling nagtala ng draw ang La Roja sa kanilang pangalawang laro kontra Poland, na nagtapos sa 1-1. Tinulungan ni Gerard Moreno si Morata para sa pambungad na goal sa ika-25 minuto bago tinabla ni Robert Lewandowski ang laro sa ika-54 na minuto. 

Nabigyan ng tsansa ang Spain na mabawi ang kalamangan tatlong minuto pagkatapos ng goal in Lewandowski matapos silang gawaran ng penalty. Ngunit tumama sa poste ang tira ni Moreno at hindi naibuslo ni Morata ang rebound.

Bumawi naman ang Spain sa kanilang huling laro ng lampasuhin nila ang Slovakia 5-0. Nanginabang ang Spaniards sa dalawang own goals habang kapwa nakapagtala ng goal sina Aymeric Laporte, Pablo Sarabia at Ferran Torres. Nakapagtala sila ng 66% possession at 9-0 shots on target sa naturang laro. 

Kinailangan rin ng Spaniards ng extra time para malampasan ang Croatia sa last 16. Isang own goal mula kay Pedri ang nagbigay sa Croatia ng maagang kalamangan ngunit tinabla ni Sarabia ang laro sa ika-38 minuto. 

Nakabuslo rin sina César Azpilicueta at Torres sa second half para bigyan ang La Roja ng 3-1 na kalamangan. Ngunit sumagot ang Croatia ng dalawang goals sa huling mga minuto ng laro para magpwersa ng extra time. 

Muling binigyan ng kalamagan ni Morata ang Spain sa ika-100 minuto bago nagdagdag si Mikel Oyarzabal ng isa pang goal para selyohan ang 5-3 na panalo ng kanyang koponan. 

Spain Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: David de Gea, Robert Sánchez, Unai Simón
Defenders: César Azpilicueta, Diego Llorente, Pau Torres, Eric García, José Gayà, Jordi Alba, Aymeric Laporte
Midfielders: Sergio Busquets (captain), Marcos Llorente, Koke (vice-captain), Thiago, Rodri, Fabián, Dani Olmo, Pedri
Forwards: Álvaro Morata, Gerard, Ferran Torres, Adama Traoré, Mikel Oyarzabal, Pablo Sarabia

Full strength ang Spain sa labang ito. 

Asahan na magpapatuloy si Sergio Busquets sa midfield at si Azpilicueta ay mananatili naman sa right back. 

Pananatilihin din ni Enrique sina Torres, Sarabia at Morata sa pag-atake.

Switzerland vs Spain Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Switzerland vs Spain live stream?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Switzerland vs Spain.

US

Hatol

Kamangha-mangha ang ipinakita ng Switzerland laban sa France ngunit malaking dagok ang pagkawala ni Granit Xhaka dahil sa suspensyon. Inaasahan namin na dominahin ng Spain ang laro at malalim rin sa talento ang kanilang koponan. 

Sinusuportahan namin na manalo ang Spain sa regulation at muling makaka-goal si Alvaro Morata.

Best Bet: Spain Win Full Time Result @-142.86 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: Alvaro Morata Anytime Goalscorer @170.00 at Unibet - 2 Units
First Goalscorer Tip: Alvaro Morata First Goalscorer @460.00 at Unibet - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events