• Home
  • Football

Switzerland vs Turkey Prediksyon at Tips - Asahan ang Swiss na Panalo

  • Mga tips sa Switzerland vs Turkey sa European Championship 2020 sa Linggo
  • Ang Group A fixture ay gaganapin 5:00 pm BST sa Baku Olympic Stadium, Azerbaijan
  • Nanalo ang Switzerland sa 6 sa kanilang huling 8 laro
  • Inaasahan namin ang isang panalo sa Switzerland at BTTS No
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Switzerland vs Turkey Prediksyon at Tips
Llamado ang Swiss kontra Turkey (Getty Images)
Librengpusta Staff 19 Jun 2021
Share this article
success image

Switzerland vs Turkey Prediksyon at Tips


Mahirap talunin ang Switzerland at inaasahan namin silang umabante sa knockout phase bilang isa sa apat na mga nangungunang third-placers sa bawat grupo.

Bigo naman ang Turkey na makakuha ng goal at puntos sa kanilang unang dalawang laro sa Group A kaya't inaasahan namin ang isang panalo para sa Swiss at BTTS No. 

  • Nanalo ang Switzerland sa 6 sa kanilang huling 8 laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Nakapagtala ang Switzerland ng BTTS No sa 2 sa kanilang huling 3 laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Natalo ng Turkey sa kanilang huling 2 laban (European Championships)
  • Nakapagtala ang Turkey ng BTTS No sa kanilang huling 4 na laro (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang Turkey ay mayroong 8-4 na kalamangan sa Switzerland sa 15 na pagkikita na may 3 draw.

Switzerland Form


Hindi gaanong nakaporma ang Switzerland sa kanilang unang laro sa Euro 2020 na nauwi sa isang 1-1 draw kontra Wales. Nakalasap naman ang Swiss ng isang 3-0 na pagkatalo sa Italy noong Miyerkules at dapat silang manalo sa kanilang huling laban sa Group A para magkaroon ng pag-asa na umabante sa knockout stage.

Nahirapan ang Switzerland sa kanilang huling laro kontra Italy at nag-concede sila ng goal makalipas lang ang 26 na minuto. Naka-goal muli ang mga Italiano pagkatapos ng halftime. Nagkaroon naman si Steven Zuber ng pagkakataon para umiskor sa Switzerland ngunit nabigo siya sa isang one-on-one play.

Nahirapan ang panig ni Vladimir Petkovic na makabalik sa laban, sa kabila ng 51% possession. Nagdagdag ang Italy ng pangatlong goal sa huling bahagi ng laro upang wakasan ang eight-match unbeaten run ng Swiss.

Nanalo ang Switzerland ng anim na sunod na laro bago ang Euro 2020. Kabilang sa kanilang mga tinalo ang Ukraine (3-0) at Finland (3-2) na kapwa naglalaro rin sa torneyo.

Switzerland Squad at Team News


Goalkeepers: Yann Sommer, Jonas Omlin, Yvon Mvogo
Defenders: Fabian Schar, Ricardo Rodriguez, Manuel Akanji, Nico Elvedi, Jordan Lotomba, Becir Omeragic, Silvan Widmer, Loris Benito, Kevin Mbabu, Eray Comert
Midfielders: Granit Xhaka (captain), Xherdan Shaqiri, Steven Zuber, Denis Zakaria, Remo Freuler, Edimilson Fernandes, Djibril Sow
Forwards: Haris Seferovic, Admir Mehmedi, Breel Embolo, Mario Gavranovic, Ruben Vargas, Christian Fassnacht

Hindi sigurado kung maglalaro ang No. 1 goalkeeper ng Switzerland na si Yann Sommer matapos siyang lumipad sa Germany para sa pagsilang ng kanyang anak. Inaasahan siyang palitan ni Yvon Mvogo sa starting XI.

Ito na marahil ang tanging pagbabago na gagawin ni Petkovic. Nagpangalan siya ng parehong line-up sa kanilang unang dalawang laro, gamit ang 3-4-1-2 formation

Turkey Form


Ang Turkey ay natalo ng back-to-back na laro sa kauna-unahang pagkakataon mula pa noong 2018 kasunod ng kanilang kabiguan sa Italy (3-0) at Wales (2-0) sa Group A.

Dapat manalo ang Crescent Stars sa kanilang huling laban upang magkaroon ng pag-asa na makasama sa knockout stage bilang isa sa apat na nangungunang third-placers.
 
Ngunit bigo ang Turkey na maka-goal sa tatlo sa kanilang huling apat na laro sa lahat ng kumpetisyon.

Natalo sila sa Wales sa kabila ng pagkakaroon ng 64% posession at 18 shots. Nagkaroon si Burak Yilmaz ng magandang tsansang maka-goal sa second half ngunit sumobra sa bar ang kanyang tira. 

Nahirapan rin ang Turks sa depensa kung saan nagtala sila ng 1.65 expected goals kumpara sa 3.83 para sa Welsh.     

Dalawang beses lang nanalo ang Turkey sa kanilang huling anim na laban sa lahat ng kumpetisyon - kontra Azerbaijan (2-1) at Moldova (2-0).

Turkey Squad at Team News


Goalkeepers: Altay Bayındır, Uğurcan Çakır, Mert Günok
Defenders: Kaan Ayhan, Zeki Çelik, Merih Demiral, Ozan Kabak, Umut Meraş, Mert Müldür, Çağlar Söyüncü, Rıdvan Yılmaz
Midfielders: Taylan Antalyalı, Hakan Çalhanoğlu, Halil Dervişoğlu, İrfan Can Kahveci, Orkun Kökçü, Abdülkadir Ömür, Dorukhan Toköz, Ozan Tufan, Okay Yokuşlu
Forwards: Muhammed Kerem Aktürkoğlu, Kenan Karaman, Enes Ünal, Cengiz Ünder, Yusuf Yazıcı, Burak Yılmaz (captain)

Gumawa ng dalawang pagbabago si Senol Gunes sa kanyang starting XI laban sa Wales. Pinalit niya si Cengiz Ünder para kay Yusuf Yazıcı sa midfield habang tinanggal naman niya si center back Merih Demiral pagkatapos ng kanyang hindi magandang laro kontra Italy at itinalaga si Kaan Ayhan sa kanyang pwesto.

Maaaring panatilihin ni Gunes ang kanyang 4-1-4-1 formation. Ngunit maari rin siyang mag-eksperimento sa kanyang line-up dahil hindi maganda ang nilalaro ng kanyang stars na sina Burak, Hakan Çalhanoğlu at Ozan Tufan. 

Switzerland vs Turkey Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Switzerland at Turkey?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan manonood ang live na stream ng Switzerland at Turkey.

US

Hatol

Disente ang ipinakita ng Switzerland laban sa Italy at Wales habang mababa naman ang kumpiyansa ng Turkey matapos makalasap ng dalawang sunod na talo.
 
Sinusportahan namin ang isang 2-0 na panalo para sa Swiss sa Baku.

Pinakamagandang taya: Switzerland Resulta ng Buong Oras @-133.33 at Unibet - 3 Units
Value Bet: BTTS Hindi BTTS @115.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units
Value Bet: Switzerland Manalo Sa Nil @225.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit
Tamang Tip sa Marka: Nanalo ang Switzerland 2-0 Tamang Iskor @800.00 at bet365 Sport NJ - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events