• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Atletico Madrid vs Liverpool Tips - Draw namumuro

  • Mga hula sa Atletico Madrid vs Liverpool para sa laban sa UEFA Champions League sa Martes
  • Gaganapin ang laban 20:00 BST sa Wanda Metropolitano Stadium
  • Ang Atletico Madrid ay walang talo sa kanilang huling 12 laban sa kanilang tahanan
  • Preview, mga tip, istatistika at balita ng koponan
Atletico Madrid
Tinalo ng Atletico ang Liverpool sa quarterfinal noong nakaraang season (Getty Images)
Librengpusta Staff 19 Oct 2021
Share this article
success image
Magaling umiskor ang Liverpool ngunit inaasahan silang pahirapan ng Atletico Madrid sa kanilang pagtutuos sa Group B ng UEFA Champions League Martes ng gabi.

Nangunguna ang Liverpool sa grupo matapos talunin ang AC Milan (3-2) at Porto (5-1) sa kanilang unang dalawang laro. 

Kagagaling ng panig ni Jurgen Klopp sa isang 5-0 na panalo sa tahanan ng Watford sa English Premier League. Nakapagtala ng hat-trick si Roberto Firmino habang nagdagdag sina Sadio Mane at Mohamed Salah ng tag-iisang goal.


Ang goalkeeper na si Alisson at midfielder na si Fabinho ay hindi nakapaglaro sa kanilang huling laban dahil sa international duty ngunit inaasahan silang magtampok dito. 

Wala naman ang mga midfielders na sina Thiago at Harvey Elliott dahil sa injury habang hindi sigurado si Curtin Jones.

Nasa ikalawang pwesto naman ang Atletico matapos magtala ng draw laban sa Porto (0-0) at panalo kontra sa AC Milan (2-1).

Pagkatapos magwagi sa Milan ay nagtala naman ang panig ni Diego Simeone ng 2-0 na tagumpay kontra sa Barcelona sa La Liga. Naging sapat na ang goals nina Tomas Lemar at Luis Suarez para selyohan ang panalo.

Nakapagpahinga ng mahaba ang Atletico bago ang larong ito matapos ipagpaliban ang kanilang laro laban sa Granada sa La Liga nitong nagdaang weekend.

Hindi pa rin makakalaro sina Matheus Cunha at Jose Gimenez dahil sa injury habang suspendido naman si Stefan Savic. Maaari namang magtampok si Marcos Llorente.

Tinalo ng Atletico ang Liverpool 3-2 sa extra time sa Champions League quarterfinal noong nakaraang season.  

Atletico Madrid vs Liverpool Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Atletico Madrid vs Liverpool live stream?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang Atletico Madrid vs Liverpool live stream.

US

Hatol

Sinusuportahan ko ang laban na ito na magtapos sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @230.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

19 ต.ค. 2564

Atletico Madrid v Liverpool