• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Chelsea vs Real Madrid Tips - Draw inaasahan sa unang leg

04 Apr 2022
Librengpusta Staff 04 Apr 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Chelsea vs Real Madrid sa UEFA Champions League sa Miyerkules (20:00 GMT)
  • Ang quarter-final leg 1 ay gaganapin sa Stamford Bridge
  • Tinalo ng Chelsea ang Real Madrid sa semi-finals noong nakaraang season
  • Tinalo ng Chelsea ang Lille sa Round of 16
  • Nagtagumpay ang Real Madrid kontra PSG sa last 16
  • Tinalo ng Chelsea ang Real Madrid sa semi-final noong nakaraang season.
Expired
chelsea real madrid
Muling maghaharap ang Chelsea at Real Madrid sa Champions League ngayong season. (GLYN KIRK/AFP via Getty Images)
Inaasahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng defending champion Chelsea at Real Madrid sa unang leg ng UEFA Champions League quarter-finals sa Miyerkules.

Tinalo ng Chelsea ang Real Madrid sa semi-finals ng kompetisyong ito noong nakaraang season. Nauwi sa isang 1-1 draw ang unang leg sa Madrid bago nagtala ang Blues ng 2-0 na panalo sa Stamford Bridge para umabante sa final kung saan naman nila tinalo ang Manchester City 1-0. 

Tinalo ng Chelsea ang Lille sa Round of 16. Nagwagi ang Blues 2-0 sa unang leg sa likod ng mga goal nina Kai Havertz at Christian Pulisic. Muling nagtagumpay ang panig ni Thomas Tuchel 2-1 sa kanilang rematch sa Lille. Muling umiskor si Pulisic habang on target din si Cesar Azpilicueta.

Sinundan ng Chelsea ang panalong iyon sa isang 2-0 na tagumpay sa Middlesbrough sa FA Cup ngunit nakalasap sila ng hindi inaasahang 4-1 na kabiguan kontra Brentford sa Stamford Bridge sa Premier League noong Sabado. 

Binigyan ng kalamangan ni Antonio Rudiger ang Blues sa ika-48 minuto ngunit agad sumagot ng magkasunod na mga goal sina Vitaly Janelt at Christian Eriksen. Muling naka-goal si Janelt bago sinelyohan ni Yoane Wissa ang kanilang unang panalo sa bahay ng Chelsea simula pa noong 1939.

Dahil dito ay naputol ang six-match winning streak ng West London club sa lahat ng mga kompetisyon.

Hindi naman makakalaro si Ben Chilwell para sa Blues dahil sa injury.

Pinatalsik naman ng Real Madrid ang Paris Saint-Germain sa last 16. Natalo ang Los Blancos 1-0 sa unang leg sa Paris bago sila nakabawi sa return leg kung saan nagtala sila ng 3-1 na tagumpay sa Estadio Santiago Bernabeu. Naglista ng hat-trick si Karim Benzema para pangunahan ang mga host.

Nagtala naman ng Los Blancos ng 2-1 na tagumpay sa Celta Vigo 2-1 sa La LIga noong Sabado. Nakadalawang goal si Karim Benzema para tulungan ang Real Madrid na makabawi sa kanilang 4-0 na pagkatalo kontra Barcelona.

May walong goal si Benzema sa Champions League ngayong season. 

Hindi naman magagamit ni Real Madrid boss Carlo Ancelotti sina Luka Jovic at Eden Hazard dahil sa injury. 

Verdict

Bagama’t galing sa pagkatalo, maganda pa rin ang nilalaro ng Chelsea ngayong season. Gunin din ang Real Madrid kaya inaasahan namin na mauwi ang larong ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @12/5 at Hollywood bets - 1 Unit
Draw
Result
@12/5 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan