• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Liverpool vs Villarreal Tips - Reds magtatagumpay sa unang leg

  • Mga tip sa Liverpool vs Villarreal sa UEFA Champions League sa Miyerkules (20:00 BST)
  • Ang semi-final leg 1 ay gaganapin sa Anfield
  • Tinalo ng Liverpool ang Benfica sa quarter-finals
  • Tinalo ng Villarreal ang Bayern Munich sa quarter-finals
  • Ito ang unang pagkikita ng dalawang panig mula noong 2016 Europa League semi-finals
Ibrahima Konate
Ibrahima Konate (CARLOS COSTA/AFP via Getty Images)
Librengpusta Staff 25 Apr 2022
Share this article
success image
Maghaharap ang Liverpool at Villarreal sa unang leg ng semi-finals ng UEFA Champions League sa Miyerkules.

Tinalo ng Liverpool ang Benfica (6-4 aggregate) sa quarter-finals upang makarating sa last four ng kompetisyong ito sa unang pakgkakataon mula noong 2019 kung saan din sila huling nagkampeon. 

Nagtala ang Reds ng 3-1 na panalo sa Lisbon sa unang leg kung saan naka-goal sina Ibrahima Konate, Sadio Mane at Luis Díaz. Nagresulta naman sa isang 3-3 draw ang kanilang rematch sa Anfield. Muling umiskor si Konate habang nagtala ng brace si Roberto Firmino.

May limang goals si Firmino sa Champions League ngayong season at siya ang pangalawang nangungunang scorer ng Reds sa kompetisyong ito sa likod ni Mohamed Salah. 

Kagagaling ng Liverpool sa isang 2-0 na panalo kontra Everton sa English Premier League noong Linggo. Naka-goal sina Andrew Robertson at Divock Origi para pangunahan ang Reds sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa lahat ng mga kompetisyon. Hindi rin sila natalo sa kanilang huling 10 laro kung saan nagtala sila ng walong panalo at dalawang draw.
 Arnaut Danjuma
Arnaut Danjuma (CHRISTOF STACHE/AFP via Getty Images)

Sorpresa namang pinatalsik ng Villarreal ang Bayern Munich (2-1 aggregate) sa quarter-finals. Nanalo ang Yellow Submarine 1-0 sa unang leg sa likod ng goal ni Arnaut Danjuma. 

Nauwi naman sa isang 1-1 draw ang pangalawang leg sa Allianz Arena kung saan nagpalitan ng mga goal sina Robert Lewandowski at Samuel Chukwueze. 

Kagagaling naman ng Villarreal sa isang 2-0 na tagumpay kontra Valencia sa La Liga kung saan dalawang beses naka-goal si Danjuma.

May anim na goal ang Dutch international sa Champions League ngayong season at muli niyang pangungunahan ang Villarreal sa kanilang unang semi-final na laro sa Champions League mula noong 2006 kung saan natalo sila sa Arsenal. Hindi natalo ang panig ni Unai Emery sa kanilang huling limang laro sa lahat ng mga kompetisyon.

Ito ang unang paghaharap ng Liverpool at Villarreal mula noong 2016 Europa League semi-finals. Nanalo ang Villarreal 1-0 sa unang leg bago gumanti ang Liverpool 3-0 sa pangalawang leg. 
GB

Verdict

Inaasahan namin na magwawagi ang Liverpool sa unang leg ng semi-finals.

Best Bet: Liverpool To Win @2/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Liverpool
To Win
@2/7 - 1 Unit
Up to £50 Free Acca Insurance
Use promo code NEWBONUS

Up to £50 Free Acca Insurance bonus. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan