• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Manchester City vs Chelsea Prediksyon at Tip - Asahan ang extra time sa Champions League final

  • Mga tip sa Man City vs Chelsea para sa UEFA Champions League final sa Sabado
  • Ang laban ay gaganapin 8pm BST sa Estádio do Dragão
  • Nanalo ang Chelsea sa kanilang huling 2 laban kontra sa Man City
  • Inaasahan naimin ang isang draw sa Porto
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Manchester City vs Chelsea Prediksiyon at Tip
Ang Man City at Chelsea ay magtutuos sa Champions League final sa Estádio Do Dragão (Getty Images)
Librengpusta Staff 26 May 2021
Share this article
success image

Manchester City vs Chelsea Prediksyon


Dalawang beses tinalo ng Chelsea ang Manchester City nitong huling anim na linggo. Ngunit inaasahan namin ang laban ng dalawang English sides sa UEFA Champions League final sa Porto ngayong Sabado na mauwi sa draw at extra time.

  • Natalo ang Man City sa 2 sa kanilang huling 4 na laban (all competitions).
  • Nanalo ang Chelsea sa kanilang huling 2 laro kontra Man City (all competitions).
  • Natalo ang Chelsea sa 3 sa kanilang huling 4 na laban (all competitions).

Head-to-Head


Ang Chelsea ay mayroong 70-59 na kalamangan sa Man City na may 39 draws sa 168 na laban.

Nagwagi ang Chelsea sa kanilang huling dalawang engkwentro - 1-0 sa FA Cup semifinal at 2-1 sa Etihad Stadium sa Premier League.

Manchester City Form


Nanalo ang Manchester City sa pito sa kanilang huling siyam na laban sa lahat ng mga kumpetisyon. Tinalo nila ang Paris Saint-Germain sa semifinal ng UEFA Champions League, nagwagi sila 2-1 sa Paris at 2-0 sa kanilang tahanan.

Sa kanilang pagbabalik sa Premier League, natalo ang panig ni Pep Guardiola 2-1 laban sa Chelsea sa kanilang tahanan bago ang isang 4-3 na panalo sa Newcastle kung saan nagtala ng hat trick si Ferran Torres.

Sunod namang naglakbay ang Man City sa Brighton kung saan sila nakalasap ng 3-2 na pagkatalo matapos magtala ng 2-0 na kalamangan. Nakakuha rin si João Cancelo ng red card 10 minuto pa lamang ang nakalipas sa naturang laro. 

Bumawi naman ang Man City sa isang 5-0 home win kontra Everton noong linggo sa kanilang huling laro sa Premier League ngayong season. Ang mga goals nina Kevin De Bruyne, Gabriel Jesus at Phil Foden ay nagbigay sa koponan ng 3-0 na kalamangan bago nagdagdag si Sergio Agüero ng dalawa pang goals mula sa bench. 

Tinapos ng City ang Premier League season na may 86 points para makuha ang kanilang ikapitong domestic league title. Ito ang kauna-unahang final appearance ng City sa Champions League.

Manchester City Injuries at Team News


Walang injured na player ang Man City kaya may malawak na mapagpipilian si Guardiola sa larong ito.  

Chelsea Form


Natalo ang Chelsea sa tatlo sa kanilang huling apat na laban sa lahat ng kumpetisyon. Tinalo nila ang Real Madrid sa Champions League semifinal sa pamamagitan ng isang 1-1 na draw sa Spain kasunod ang 2-0 na panalo sa London.

Naglista ang Blues ng isang 2-1 na panalo sa Manchester City sa kanilang pagbabalik sa Premier League ngunit bigo silang sundan ito ng isa pang tagumpay matapos matalo sa Arsenal 1-0 sa kanilang home field. Natalo ang Chelsea sa kabila ng pagkakaroon nila ng 68% na possession at 19-5 na lamang sa shots on goal.

Muling nabigo ang panig ni Thomas Tuchel laban sa Leicester City sa FA Cup final noong Mayo 15, kung saan nakalasap sila ng 1-0 na pagkatalo sa kabila ng paglimita sa Foxes sa isang shot on target. 

Nakaganti naman ang Chelsea sa Leicester 2-1 sa kanilang rematch sa Premier League pagkalipas ng tatlong araw.

Tinapos nila ang Premier League season sa isang 2-1 na pagkatalo sa Aston Villa ngunit sapat na ito para tumapos ang Blues na pang-apat sa table na may 67 points.

Mayroon silang 3.43-0.98 na expected goals at nagpapasalamat kami sa Tottenham na nanalo ng 4-2 sa Leicester.

Tatangkain ng Chelsea na makuha ang kanilang pangalawang Champions League title matapos manaig sa Munich noong 2012.

Chelsea Injuries at Team News


Ang goalkeeper na si Édouard Mendy at midfielder na si N'Golo Kanté ay kapwa pinipipilit na maging fit para sa larong ito. 
US

Hatol

Napatunayan ng Chelsea na kaya nilang talunin ang Man City, kabilang dito ang dalawang panalo kontra sa Premier League champions kamakailan. 

Ngunit minalas ang Blues sa kanilang mga huling laban kaya inaasahan namin na mauwi sa draw at extra time ang Champions League final.

Best Bet: Draw Full Time Result @250.00 at BetMGM - 3 Units
Correct Score Tip: 1-1 Draw Correct Score @550.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events