• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Porto vs AC Milan Tips - Asahan ang draw

  • Mga hula sa Porto vs AC Milan para sa laban sa Champions League sa Martes
  • Ang Group B na laro ay gaganapin sa Estádio Do Dragão (8pm BST)
  • Nakapagtala ng draw ang Porto sa 3 sa kanilang huling 4 na laban sa bahay
  • Preview, mga tip, istatistika at balita ng koponan
Porto AC Milan
Huling nagtuos ang Porto at AC Milan noong 2003/04 UEFA Super Cup (Getty Images)
Librengpusta Staff 19 Oct 2021
Share this article
success image
Desperado ang AC Milan na makakuha ng puntos laban sa Porto sa UEFA Champions League Martes ng gabi matapos matalo sa kanilang unang dalawang laro sa Group B.

Sinimulan ng panig ni Stefano Pioli ang kanilang kampanya sa isang 3-2 na pagkabigo sa Liverpool bago makalasap ng 2-1 na pagkatalo sa Atletico Madrid sa kanilang bahay.

Maganda naman ang nilalaro ng AC Milan sa Italian Serie A ngayong season. Naka-apat na sunod na panalo ang koponan matapos pataubin ang Verona 3-2 sa kanilang huling laro. Nagsuko ang Milan ng dalawang goals bago nakaganti sina Olivier Giroud and Franck Kessié para itabla ang laro. Isang own goal naman mula kay Koray Günter ang nagselyo ng panalo sa Milan.

Hindi makakalaro sina Tiemoué Bakayoko, Ante Rebic, Alessandro Florenzi at Mike Maignan sa larong ito dahil sa injury habang suspendido naman si Kessié. Si Theo Hernandez at Brahim Diaz ay malamang na hindi rin makalaro matapos parehong mag-positibo sa COVID-19.

Nagtala ang Porto ng 0-0 draw laban sa Atletico Madrid sa kanilang unang laro bago ginulpi ng Liverpool 5-1 sa kanilang bahay.

Bumawi naman ang panig ni Sergio Conceicao sa isang 2-1 na panalo laban sa Pacos de Ferreira sa Portuguese League bago pataubin ang Sintrense 5-0 sa Portuguese Cup.

Hindi sigurado kung magtatampok si Chancel Mbemba sa larong ito habang inaasahan naman na magbabalik sina Mateus Uribe, Jesús Corona, Otávio at Luis Díaz sa starting XI.

Huling nagkita ang Porto at AC Milan noong 2003-04 UEFA Super Cup kung saan nagwagi ang AC Milan 1-0 sa Monaco sa likod ng goal ni Andriy Shevchenko. 

Porto vs AC Milan Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Porto vs AC Milan live stream?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang Porto vs AC Milan live stream.

US

Hatol

Malamang na mauwi ang larong ito sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @240.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

19 ต.ค. 2564

FC Porto v AC Milan