• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Real Madrid vs Manchester City Tips - Citizens mananalo sa Madrid

02 May 2022
Librengpusta Staff 02 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Real Madrid vs Manchester City sa UEFA Champions League sa Miyerkules (20:00 BST)
  • Ang semi-final leg 2 ay gaganapin sa Estadio Santiago Bernabéu
  • Nanalo ang Man City 4-3 sa unang leg
  • Nanalo ang Real Madrid sa 3 sa kanilang huling 4 laban sa lahat ng mga kompetisyon
  • Nagwagi ang Man City sa kanilang huling 4 laro sa lahat ng mga kompetisyon
Expired
Phil Foden
Phil Foden (David Ramos/Getty Images)
Maghaharap ang Real Madrid at Manchester City sa pangalawang leg ng UEFA Champions League semi-finals sa Miyerkules.

Nagresulta sa isang 4-3 na panalo para sa Man City ang unang leg na ginanap sa Etihad Stadium noong nakaraang linggo. 

Nakakuha ng maagang kalamangan ang Citizens matapos maka-goal nina Kevin De Bruyne at Gabriel Jesus 11 minuto pa lang ang nakalipias sa laro. Tinapyas ni Karim Benzema ang kalamangan ng Man City bago mag half-time ngunit muling binigyan ni Phil Foden ng two-goal lead ang Citizens matapos niyang magbuslo ng header sa iika-53 minuto. Kaagad rumisponde si Vinicius Junior para sa Los Blancos. 

Karim Benzema
Karim Benzema (David Ramos/Getty Images)
Muling naka-goal ang Man City sa ika-74 minuto mula kay Bernardo Silva bago nakuha ni Benzema ang kanyang pangalawang goal walong minuto bago matapos ang laro. 

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Man City kontra Real Madrid. 

Pinalawig naman ng panig ni Pep Guardiola ang kanilang winning streak sa lahat ng kompetisyon sa apat na laro matapos nilang magtala ng 4-0 na panalo sa Leeds United sa English Premier League noong Sabado. Naka-goal para sa Citizens sina Rodri, Nathan Ake, Gabriel Jesus at Fernandinho.

Kagagaling naman ng Real Madrid sa isang 4-0 na tagumpay kontra Espanyol sa La Liga noong Sabado para selyohan ang kanilang ika-35 kampeonato. 

Nagtala ng brace si Rodrygo habang nag-ambag ng tag-iisang goal sina Marco Asensio at Benzema. 

Hindi naman magagamit ni Real Madrid boss Carlo Ancelotti sina David Alaba at Gareth Bale sa larong ito dahil sa injury.

Verdict

Maganda ang naging bakbakan ng Man City at Real Madrid sa unang leg at inaasahan namin na maulit ito sa kanilang rematch. Hula namin na muling magwawagi ang Citizens.

Best Bet: Man City To Win @101/100 at Hollywood bets - 1 Unit
Man City
To Win
@101/100 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan