• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

Villarreal vs Liverpool Tips - Reds muling magwawagi

02 May 2022
Librengpusta Staff 02 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Villarreal vs Liverpool sa UEFA Champions League sa Martes (20:00 BST)
  • Ang semi-final leg 2 ay gaganapin sa Estadio de la Cerámica
  • Nanalo ang Liverpool 2-0 sa unang leg
  • Nanalo ang Liverpool sa kanilang huling 5 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Natalo ang Villarreal sa kanilang huling 2 laban
Expired
Sadio Mane
Si Sadio Mane of Liverpool at Raul Albiol ng Villarreal (Catherine Ivill/Getty Images)
Magaganap ang pangalawang leg ng UEFA Champions League semi-final tie sa pagitan ng Villarreal at Liverpool sa Martes.

Nagwagi ang Liverpool 2-0 sa unang leg na ginanap sa Anfield noong nakaraang linggo. 

Ang own goal ni Pervis Estupiñan ang nagbigay ng kalamangan sa Reds sa ika-53 minuto bago dinoble ni Sadio Mane ang kanilang kalamangan pagkalipas ng dalawang minuto.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Liverpool sa lahat ng mga kompetisyon. 

Kagagaling ng Reds sa isang 1-0 panalo sa Newcastle United sa English Premier League. Ang goal ni Naby Keita sa ika-19 minuto ang nagbigay ng panalo para sa panig ni Jürgen Klopp sa St. James' Park. 

May walong goal si Mohamed Salah sa Champions League ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Liverpool sa kanilang hangarin na makarating sa final ng kompetisyong ito sa unang pagkakataon mula noong 2019 kung saan tinalo nila ang Tottenham 2-0.

Aasahan din ni Klopp sina Mane at Diogo Jota sa larong ito. Hindi maglalaro si Roberto Firmino dahil sa injury sa paa.

Nakalasap naman ang Villarreal ng 2-1 kabiguan sa Alaves sa kanilang huling laban sa La Liga. Maagang nagsuko ng dalawang goal ang Yellow Submarine bago umiskor si Samuel Chukwueze sa second half.

Si Arnaut Danjuma ang nangungunang scorer ng Villarreal sa Champions League na may 10 goals. Makakatulong niya sina Yeremy Pino at Manu Trigueros.

Verdict

Maganda ang nilaro ng Liverpool sa unang leg at inaasahan namin na maulit ito sa kanilang rematch sa Villarreal.

Best Bet: Liverpool To Win @9/13 at Hollywood bets - 1 Unit
Liverpool
To Win
@9/13 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan