• Home
  • Football

Ukraine vs England Prediksyon at Tips - England Aabante sa Semis

  • Mga tips sa Ukraine vs England sa Euro 2020 sa Sabado
  • Ang quarter-final fixture ay gaganapin 8PM BST sa Stadio Olimpico sa Roma  
  • Nanalo ang England na hindi nagsusuko ng goal sa 8 sa kanilang huling 10 mga laro
  • Ang England ay inaasahang manalo muli na hindi nagsusuko ng goal at makaka-goal si Raheem Sterling 
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
 Ukraine vs England Tips
Ang England ay inaasahang manalo nang hindi nagsusuko ng goal (Getty Images)
Librengpusta Staff 02 Jul 2021
Share this article
success image

Ukraine vs England Prediksyon at Tips


Ang England ay hindi pa nagsusuko ng kahit isang goal sa Euro 2020. Inaasahan namin na mapanatili nila ito laban sa Ukraine, na kinailangan ng extra time para malampasan ang Sweden sa Round-of-16. 

Si Raheem Sterling ang nanguna sa England sa kanilang mga panalo at inaasahan namin na maipagpatuloy niya ang kanyang magandang nilalaro sa torneyo. 

  • Natalo ang Ukraine sa 2 sa kanilang huling 4 na laban (Euro 2020)
  • Ang Ukraine ay pasok sa under 2.5 goals sa kanilang huling 4 na laban kontra England (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang England ay nanalo sa 9 sa kanilang huling 10 mga laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Nanalo ang England ng hindi nagsusuko ng goal sa 8 sa kanilang huling 10 laban (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang England ay saklaw ang under 2.5 goals sa kanilang huling 6 na mga laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Si Sterling ang unang naka-goal sa 3 sa huling 4 na laban ng England (Euro 2020)
  • Si Sterling ay may 15 goals sa kanyang huling 20 laro (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang England ay mayroong 4-1 na kalamangan sa kanilang pitong nakaraang pagtutuos ng Ukraine. Ang kanilang huling dalawang pagpupulong ay nangyari sa World Cup qualifiers noong 2012 at 2013 at pareho itong nauwi sa draw.

Form ng Ukraine


Nakarating ang Ukraine sa quarter-finals ng isang pangunahing torneyo sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kanilang dramatikong 2-1 na tagumpay laban sa Sweden sa extra time noong Martes.

Lumamang ang panig ni Andriy Shevchenko sa ika-27 minuto sa pamamagitan ng goal ni Oleksandr Zinchenko ngunit tinabla ni Emil Forsberg ang laro bago mag half-time.

Bigong maka-goal ang parehong panig sa second half at nalaglag naman ang Sweden sa sampung manlalaro sa unang bahagi ng extra time matapos makakuha si Marcus Danielson ng red card. Patapos na ang second half ng extra time at tila papunta na ang laro sa penalty shootout nang kumonekta ang header ni substitute Artem Dovbyk para selyohan ang panalo sa Ukrainians.

Umabante ang Ukraine sa knockout stage matapos pumangatlo sa Group C. Natalo sila sa Netherlands (3-2), nanalo sa North Macedonia (2-1) at natalo ulit sa Austria (1-0).

Ukraine Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Heorhiy Bushchan, Andriy Pyatov (captain), Anatoliy Trubin
Defenders: Eduard Sobol, Serhiy Kryvtsov, Illya Zabarnyi, Vitaliy Mykolenko, Oleksandr Karavayev, Mykola Matviyenko, Oleksandr Tymchyk, Denys Popov
Midfielders: Heorhiy Sudakov, Serhiy Sydorchuk, Taras Stepanenko, Andriy Yarmolenko, Ruslan Malinovskyi, Mykola Shaparenko, Marlos, Yevhenii Makarenko, Viktor Tsyhankov, Oleksandr Zinchenko, Roman Bezus, Oleksandr Zubkov
Forwards: Roman Yaremchuk, Artem Besyedin, Artem Dovbyk

Hindi sigurado kung makakapaglaro si Artem Besedin matapos siyang masaktan sa tackle ni Danielson na naging sanhi ng pagpapatalsik sa Swedish defender.

Hindi nakalaro si winger Oleksandr Zubkov sa extra time laban sa Sweden ngunit inaasahan siyang magbalik sa larong ito. 

Ang center back na si Denys Popov ay may iniinda pa ring calf injury at malamang na hindi ito magtatampok.

Ang striker na si Dovbyk ay maaaring magsimula pagkatapos ng kanyang kabayanihan laban sa Sweden. 

Form ng England


Umabante ang England sa last eight matapos nilang talunin ang Germany 2-0 sa Wembley Stadium noong Martes.

Ang mga goals nina Raheem Sterling at team captain Harry Kane sa loob ng huling 15 minuto ang nagselyo sa panig ni Gareth Southgate ng kanilang unang knockout na panalo sa Germany sa loob ng 55 taon.

Nanguna ang England sa Group D na may pitong puntos mula sa posibleng siyam salamat sa 1-0 na mga panalo laban sa Croatia at Czech Republic at 0-0 na draw kontra Scotland.

Ang England ay nagwagi sa siyam sa kanilang huling 10 laro sa lahat ng mga kumpetisyon at nagsuko lamang ng isang goal. 

England Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Aaron Ramsdale, Sam Johnstone, Jordan Pickford
Defenders: Ben Chilwell, Conor Coady, Reece James, Harry Maguire, Tyrone Mings, Luke Shaw, John Stones, Kieran Trippier, Kyle Walker, Ben White
Midfielders: Jude Bellingham, Jordan Henderson, Mason Mount, Kalvin Phillips, Declan Rice
Forwards: Dominic Calvert-Lewin, Phil Foden, Jack Grealish, Harry Kane, Marcus Rashford, Bukayo Saka, Jadon Sancho, Raheem Sterling

Maaaring ibalik ni Southgate ang kanyang 4-2-3-1 formation na ginamit niya sa kanilang unang tatlong laro sa Euro 2020 matapos gumamit ng 5-3-2 formation laban sa Germans. 

Kung gagawin niya ito ay malamang na makakaligtaan si Kieren Trippier o Kyle Walker.

Maaaring ikonsidera ang pagbabalik ni Mason Mount matapos siyang mag-self isolate bilang bahagi ng COVID-19 protocols. 

Maaari ring magsimula si Jack Grealish matapos ang kanyang naging papel sa dalawang goals ng England laban sa Germany. 

Ukraine vs England Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Ukraine vs England?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Ukraine vs England.

US

Hatol

Patuloy na maganda ang nilalaro ng England at inaasahan na umabante ang panig ni Gareth Southgate sa semi-final. Inaasahan din na muling makaka-goal si Raheem Sterling. 

Best Bet: Under 2.5 Goals Total Goals @-123.46 at Unibet - 3 Units
Value Bet: England To Win To Nil @110.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units
Anytime Goalscorer Tip: Raheem Sterling Anumang Oras ng Goalscorer @162.00 at Caesars (Sport) - 2 Units
First Goalscorer Tip: Raheem Sterling First Goalscorer @500.00 at bet365 Sport NJ - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events