• Home
  • Football

Wales vs Denmark Prediksyon at Tips - Denmark Inaasahang makarating sa quarterfinals

  • Mga tips sa Wales vs Denmark sa Euro 2020 sa Sabado
  • Ang Round-of-16 na laban ay gaganapin 5pm BST sa Johan Cruyff Arena, Amsterdam
  • Nagwagi ang Denmark sa 9 sa kanilang huling 13 na laban
  • Inaasahan namin ang Danes na manalo sa Amsterdam
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Wales vs Denmark Prediksyon at Tips
Nagwagi ang Denmark sa kanilang huling 2 laban kontra Wales (Getty)
Librengpusta Staff 24 Jun 2021
Share this article
success image

Wales vs Denmark Prediksyon at Tips


Maganda ang nilalaro ng Denmark sa Euro 2020 sa kabila ng sinapit ni Christian Eriksen sa kanilang unang laro. Inaasahang may sapat silang lakas at kumpiyansa para talunin ang Wales at maka-abante sa quarterfinals.

  • Nabigo ang Wales na makapagtala ng goal sa 3 sa kanilang huling 5 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nakapagtala ang Denmark ng BTTS No sa 3 sa kanilang huling 4 na laban kontra Wales (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Denmark sa kanilang huling 2 laban sa Wales (UEFA Nations League).
  • Nanalo ang Denmark ng hindi nagsusuko ng goal sa 4 sa kanilang huling 7 laban kontra Wales (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Denmark sa 10 sa kanilang huling 14 na laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay nanalo ng 2+ goals sa 5 sa kanilang huling 8 laro (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay nakapaglista ng 9 clean sheets sa kanilang huling 15 laro (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Denmark ay mayroong 6-4 na kalamangan sa Wales sa 10 laban.

Huli silang nagkita sa UEFA Nations League noong 2018 kung saan nagwagi ang Denmark 2-0 sa Aarhus at 2-1 sa kanilang rematch sa Cardiff. 

Wales Form


Naglaro ang Wales ng dalawang friendlies bago ang European Championship. Natalo sila sa France (3-0) bago nagtabla sa Albania (0-0).

Sinimulan ng panig ni Robert Page ang kanilang kampanya sa Euro 2020 sa isang 1-1 na draw laban sa Switzerland. Bagama't mas maraming possession ang Swiss ay nagawa pa ring maitabla ni Kieffer Moore ang laro sa ika-74 minuto.

Tinalo naman ng Wales ang Turkey 2-0 sa kanilang pangalawang laro sa Group A kung saan nagmintis sa penalty spot si Gareth Bale ngunit nag-assist naman siya sa goals nina Aaron Ramsey at Connor Roberts.

Natalo ang Wales sa Italy 1-0 sa kanilang huling laro sa grupo. Hindi halos nakaporma ang Welsh sa naturang laro at na sent off pa si Ethan Ampadu sa ika-55 minuto matapos sampahan ng red card. 

Wales Squad at Team News


Goalkeepers: Wayne Hennessey, Danny Ward, Adam Davies
Defenders: Chris Gunter, Neco Williams, Ben Davies, Tom Lockyer, Joe Rodon, Connor Roberts, Rhys Norrington-Davies, Chris Mepham, Ben Cabango, Ethan Ampadu
Midfielders: Joe Allen, Harry Wilson, Aaron Ramsey, Joe Morrell, Jonny Williams, David Brooks, Daniel James, Dylan Levitt, Rubin Colwill, Matthew Smith
Forwards: Gareth Bale, Kieffer Moore, Tyler Roberts

Nakatakdang manatili si Danny Ward bilang starting goalkeeper imbes na si Wayne Hennessey.

Suspendido si Ampadu kaya inaasahang makita si Chris Mepham na magsimula sa central defence.

Si Gareth Bale ang nangungunang scorer ng Wales na may 33 goals sa 95 internationals.

Denmark Form


Ang Denmark ay dumating sa Euro 2020 na nanalo ng siyam sa kanilang nakaraang 11 na laban.

Nakalasap ng 1-0 na pagkatalo ang panig ni Kasper Hjulmand laban sa Finland sa kanilang unang laro sa Group B kung saan nagkaroon si Christian Eriksen ng cardiac arrest sa pitch. Natalo ang Danes kahit na nagkaroon sila ng 70% possession at 22-1 shots. Bigo rin si Pierre-Emile Højbjerg na maibuslo ang isang penalty. 

Kinapos rin ang Denmark laban sa Belgium 2-1. Binigyan ni Yussuf Poulsen ng maagang kalamangan ang Danes ng maka-goal ito dalawang minuto pa lang ang nakakalipas sa laro. Ngunit nag-concede sila ng dalawang goals sa second half.

Bumawi naman ang Denmark sa kanilang huling laro ng lampasuhin nila ang Russia 4-1. Nagtala sila ng 2-0 na kalamangan sa likod ng goals nina Mikkel Damsgaard at Poulsen bago nag-concede ng penalty. Ngunit nagdagdag ng goals sina Andreas Christensen at Joakim Maehle sa huling bahagi ng laro paro selyohan ang panalo.

Denmark Squad & Team News


Goalkeepers: Kasper Schmeichel, Jonas Lössl, Frederik Rønnow
Defenders: Joachim Andersen, Jannik Vestergaard, Simon Kjær (captain), Joakim Mæhle, Andreas Christensen, Mathias Jørgensen, Jens Stryger Larsen, Nicolai Boilesen
Midfielders: Robert Skov, Thomas Delaney, Christian Eriksen, Christian Nørgaard, Daniel Wass, Pierre-Emile Højbjerg, Mathias Jensen, Anders Christiansen
Forwards: Martin Braithwaite, Andreas Skov Olsen, Kasper Dolberg, Mikkel Damsgaard, Jonas Wind, Yussuf Poulsen, Andreas Cornelius

Maayos na ang kalagayan ni Eriksen ngunit maaaring hindi na siya muling maglalaro ng football. 

Walang inaasahang gagawing pagbabago si Hjulmand sa larong ito.

Wales vs Denmark Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Wales vs Denmark?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Wales at Denmark.

US

Hatol

Minalas ang Denmark sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020 ngunit tumaas ang kanilang kumpiyansa matapos nilang lampasuhin ang Russia. 

Inaasahan namin na malampasan nila ang Wales sa Amsterdam at umabante sa knockout round.

Best Bet: Denmark Win Full Time Result @-111.11 at BetMGM - 4 Units
Value Bet: Denmark Win To Nil @170.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit
Correct Score Tip: Denmark Win 2-0 Correct Score @700.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events